Gab POV.
Kaharap ko ngayon ang reflection ko sa salamin..Nawala na ang eyeglasses ko. Ang laki ng pinagbago ko..Pa mula ng dumating siya sa buhay ko. Eto rin ang first and last prom ko. Oo first, Kasi nung 3rd year ako hindi ako um'attend. Wala akong partner. At Last, Dahil ngayon meron na akong partner..ngayong 4th year ako.
"Anak, are you ready?" Napatingin ako kay mama na nasa pinto at nakatingin sakin. Naka Tuxedo ako na white, Hiram ko lang ito sa pinsan kong college. Salamat nga at nagkasya sakin.
I nonned only. At Bumaba, Pupunta ako sa school na mag isa. Kung yung iba sinusundo nila ang partner nila sa bahay ng babae. Pwes ako iba, Hindi naman kasi ako mayaman katulad ng mga classmate ko sa school. Tsaka, wala rin akong kotse kaya paano ko masusundo si Thea? Diba? Pero marunong akong mag drive ng kotse dahil tinuruan ako ni papa at tito bago sila umalis dito sa pinas papuntang France. Nagtatrabaho lang si papa dun at kasamahan niya si tito..
"Ma. Alis na po ako" Sabi ko at bubuksan ko na ang pinto.
"T-teka anak.."Lumingon ako kay mama at pumunta siya sa kinatatayuan ko.Inayos niya ang neck tie ko."Ang gwapo gwapo mo anak.."Sabi ni mama habang inaayos ang neck tie ko.Nang matapos na niyang ayusin, Hinalikan ko siya sa noo."Ma, Salamat.. Alis na po ako."Sabi ko at tuluyan na akong umalis. Pumara ako ng taxi.
Nang makarating na ako sa school kitang kita ko ang mga nakaparadang kotse nila sa harap at gilid ng gate sa school. Medyo madilim sa loob ng school at nagsisilitawan ang mga magaganda ilaw..Parang tulad sa mga bar. Astig ah, Sa bagay. First time ko um'attend sa gantong event.
"Manong ito po ang bayad."Pag ka bayad ko sa manong agad ako bumaba. Inayos ko muna ang tuxedo ko at baka gusot ito.
Palapit na ako sa school ng may maaninag akong babae na nasa gilid ng gate. Pamilyar siya..Lumapit pa ako at nakita ko na ang mukha niya ng maayos. Napangiti ako..Ang ganda talaga ni Thea, Naka curley ang brown niyang buhok at naka dress siyang above the knee na brown at nagkikintaban ito.Kitang kita ang pagka'sexy niya at ang flawless niya rin. Naiinlove na ba ako? Ito na ba yung sabi nila na love?
"Gab!"Masaya niyang bati sakin. Teka? Ang saya niya na ata ngayon? Bipolar talaga.
"Hi."Sagot ko. Hinila naman agad niya ang braso ko papasok sa school.
"Kanina pa kita iniintay. Ang tagal mo ah!"Natatawa tawa niyang sabi."Sorry na."Sagot ko naman.---
Thea Alex POV.
Hinila ko si Gab papunta sa school. Pagkapasok namin sa loob, Lahat ng mata nakatingin samen..Este kay Gab lang pala. Tch! Ano kayo ngayon?! Gwapo ng kasama ko noh? Bwahaha!
'My gash?! Si Gabriel ba yun?'
'Oo siya nga..Grabity! Ang gwapo gwapo niya pala talaga..'
'Ang gwapo!'
'Makalaglag panty si totoy!'
Hahaha! Nakakatawa naman ang sinasabi nila sa kasama ko. Di bale, ganun talaga. Lahat nagbabago..Napatingin ako kay Gab. Tumingin rin siya sakin, Nginitian ko naman at nginitian rin niya ako. Sheteng kalabaw! Bakit ganun? Habang patagal ng patagal ng pagsasama namin,Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. No! Hindi pede. Ayokong masaktan. Ahrg! Eto nanaman, nagsisisi nanaman ako..Sinimulan ko na kaya kailangan ko na tong tapusin..
---
A/N:
Vote and comment please! Thanks! Love you all.
-LostAndFound.
BINABASA MO ANG
Nerdy Guy (He's Love Story)
Teen FictionKaramihan babae ang nerd.Karamihan babae ang tahimik,lonely,at mahiyain. Pero paano kapag ang lalaki ang naging isang 'Nerd' ? Yung tipong tahimik,Mahiyain,Hindi kaya ipagtanggol ang sarili,May makapal na salamin sa mata,Pero matalino. Matatawag pa...