Nasa prom parin kami. Nakakain na rin kami ni Gab, Tapos sumayaw ng saglit. May umaaya rin sakin sumayaw. Nakipag sayaw naman ako. Si Gab naman, Hindi man lang nag aaya ng gustong isayaw sa iba. Sabagay, Siguro First and Last niya to. Nerd nga siya diba? Dati. Pero ngayon parang iba na siya.
"Gab, C.R lang ako."Sabi ko kay Gab. Nakaupo lang siya at pinagmamasdan ang nagsasayaw, Tumango lang naman siya.
Nakarating na ako sa C.r at nag wiwi, Hehehe. Naghugas ako ng kamay. May pumasok naman sa loob at napatingin ako, Pag tingin ko si Janessa. "Hi."Sabi ko sa kanya.Pero siya ang lungkot at hindi ako pinansin. "Ahm. Best may problema ba?"Tanong ko habang pinupunasan ko na yung kamay ko.
Tumingin siya sakin, "Best, Itigil mo na to.Please?"Sabi niya at tumulo nalang ang luha. Nilapitan ko naman agad siya. "H-huh? E-eh paano yung kotse ko? Bigay yun ng papa ko. Mahalaga yun." Sabi ko sa kanya at pinupunasan ko ang pumapatak na luha sa mata niya.
"Ako ang may gawa kung bakit ka umuwi dito, Pinilit ko si Tita Xandra, At sabihin niya sayo na umuwi ka, Tapos pinapabalik ka na ulit diba?"Nag nonned ako. Babalik ako sa Europe kung saan lumaki sila mama.
"Pumunta ka na ulit dun best. Sana wag mo ko kagalitan kasi..."Iniintay ko ang susunod niyang sabihin pero may bumukas ng pinto at nakita ko si Ella at shena naka pamewang."Siya ang may plano ng lahat at hindi kami shonga!"Tumawa sila ng parang witch. T-teka? Nalilito ako. Tumingin ako kay Janessa ng may halong pagtataka.
"Best Ako nga, Sorry.. Sorry..Gusto ko lang gumanti kay Gabriel dahil inagaw niya ang pwesto ko sa school, Gusto kong paibigan mo siya at sa huli sasaktan mo. Sorry best..Alam kong masama.. Sorry talaga be--" Sabi niya at hindi tumitigil ang luha niya.
"Best? Hahaha. Kaibigan kita tapos ginawa mo sakin to? Best? Best parin tawag mo? S-sa tingin mo ang dali lang nun na pinagagawa mo? T-teka wag mong sabihin na ikaw ang kumuha ng kotse ko?!" Lumayo ako sa kanya, Hindi ko namalayan na tumutulo na rin pala ang mga luha ko.
"A-ako ang k-kumuha nun. Sorry talaga! Sorry.." Lumapit siya sakin pero tinabig ko at binunggo ko sila Ella at Shena palabas ng C.R pero ang hindi ko inaasahan na mabunggo ko..
"Gab?"Halos mapaos ako dahil sa nakita ko. Ang Laki ng mata niya at halatang nagulat..Hindi kaya? N-narinig niya?
Niyakap ko siya pero tinulak niya ako. At umalis siya, Gusto ko man habulin pero hindi makagalaw ang mga paa ko para pigilan siyang lumayo at sabihin ang totoo. Kaso hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit..
BINABASA MO ANG
Nerdy Guy (He's Love Story)
Teen FictionKaramihan babae ang nerd.Karamihan babae ang tahimik,lonely,at mahiyain. Pero paano kapag ang lalaki ang naging isang 'Nerd' ? Yung tipong tahimik,Mahiyain,Hindi kaya ipagtanggol ang sarili,May makapal na salamin sa mata,Pero matalino. Matatawag pa...