Gab POV.
Ang sayang kasama si Thea. Hindi ko alam pero napapagaan niya talaga ang loob ko.Nag kita kami sa Bookstore, Hindi ko nga akalain na magkikita kami ng ganun eh.Siguro mahilig din siya sa mga libro kagaya ko. Haha!
"Gab! Sakay tayo dun! Dali naaa." Hinila hila niya ako para sumakay sa SPACE SHUTTLE. Tindi ng babaeng to ah, Hahaha! Nandito nga pala kami sa Enchanted Kingdom. Wala eh, Mayaman ang kasama ko..Libre niya daw ako.
Tumango lang ako na nakangiti sa kanya. Hila hila niya pa rin ako. Nakapila na kami sa Space Shuttle. Hindi ko maintindihan ang reaction na nakikita ko sa mukha niya ngayon. Parang gusto niyang mag back out pero naeexcite siya? Haha. Ah ewan..Kahit hindi ako nakakasakay sa mga gantong sakayan, Hindi ako matatakutin sa matataas katulad ng Space Shuttle.
Malapit na kami, Wohoo! Ilang tao na lang at makakasakay na kami. Hahaha! Tinignan ko si Thea. Ayun! Tulala, Parang may iniisip. Baka natatakot na..Haha!
Nang sumakay na kami.Biglang kumapit ng mahigpit sakin si Thea at napatigil. Tinignan ko kung bakit.
"P-parang a-ayoko na..A-alis na tayo dito."Sabi niya sakin habang nakayuko. Gusto kong matawa, Kasi kanina mas excited pa siya sakin..pero ngayon parang nawala. Haha!
"Haha!Alam mo baliw ka rin noh?Kanina nagyaya ka sakin na parang naeexcite ka dyan, Ngayon baback out ka na? Weak.." First time kong tumawa kaharap niya kaya napansin kong ngumiti siya ng malapad..
"Yiie, Tumatawa ka pala..Tara na nga,Daliii." Aniya..
Tao naman ako kaya pedeng tumawa.Psh, Pero dahil sa tawa ko napagaan ko ata loob niya. Hehe!
*tugsh..tugsh..tugsh..tugsh.."
"WAAAAAAAAAAAHHHHHH!"
"AAAAAAAAAAHHHHHHH!"
Tinignan ko si Thea kung ayos lang, Nakapikit siya at sumisigaw, Hahaha! Bakit parang unti onti nagugustuhan ko na ang babaeng to.
Bukod sa maganda,mayaman,matalino at mabait..Siya rin kasi ang tumanggap sa buong pagkatao ko. Siya rin ang babaeng tumanggap na kung sino ako.
Hinawakan ko ang kamay niya para mabawasan ang takot niya..Napatingin siya sakin at napangiti rin..
*tugtug.tugtug.*
Bumilis ang tibok ng puso ko..Baka nga..Eto siguro ang tinatawag nilang Love.
---
"Thank you sa time Gab.." Sabi niya, Ngayon nandito kami sa Ferris Wheel. Nagiintay ng fire works. Sabi kasi ni Thea kapag 7:00pm na may fireworks, So ayun..iniintay namin ngayon. Parang sa movie lang.
"Wala yun." Maikli kong sagot.
Pero ngumiti ako sa kanya..
"Alam mo..Bagay sayo na laging nakangiti,hindi yung laging nakabusangot ang mukha mo.Hahaha!" Sabi niya habang tawa siya ng tawa. Napasimangot naman ako. Tch! "Ayan nanaman, Naka simangot ka nanaman. Sayang pa naman ang gwapo mong mukha.."Bigla akong namula sa sinabi niya.Sa lahat kasi ng mga nakilala ko hindi nila ako tinatawag na ganung word..Kasi pag nerd, Panget.
"Uuy, Namula. Hahaha! Ang cute cute mo." Pinisil niya yung pisngi ko.
"Aray mash-mashaket! Itigil mo yan kash-kashi mashaket!" Sabi ko kahit pisilpisil niya yung dalawang pisingi ko. Binitawan naman agad niya, Tch. Lalo tuloy namula..
Tumingin ako sa mata niya.
Fvck i like her. Tch! Ang weirdo ko. Alam kong wala siyang gusto sakin.Pero hindi ko naman hiniling na mahalin niya rin ako pabalik.
'BOOOOOM'
'I like you..'
Tss, Sabay pa kami magsalita nung fireworks. Wrong move ako,Hahaha pero ayus lang.
"What?"Biglang nanglaki yung mata ko sa tanong niya. Narinig niya akong umimik pero hindi niya naintindihan,Haha! Safe.
"Binge."Pang-aasar ko. Haha, ngayon lang ako nang asar sa isang tao..Hindi ko kasi kaya dati mang-asar,Diba nga 'Nerd' ako?Psh.
"Aba aba nang aasar ka na ha, Hahaha." Akala ko aaway niya ako pero tinawanan niya lang ako. Napangiti naman ako kasi ang saya ng taong gusto ko..Lalo na't alam kong ako ang nagpasaya sa kanya.
I totally like her.
First time kong maramdaman to..Ang sarap sa pakiramdam.
---
A/N:
#Inlove..-LostAndFound.
BINABASA MO ANG
Nerdy Guy (He's Love Story)
Teen FictionKaramihan babae ang nerd.Karamihan babae ang tahimik,lonely,at mahiyain. Pero paano kapag ang lalaki ang naging isang 'Nerd' ? Yung tipong tahimik,Mahiyain,Hindi kaya ipagtanggol ang sarili,May makapal na salamin sa mata,Pero matalino. Matatawag pa...