Two weeks na ang nakakalipas, Ang bilis ng panahon at oras ko. Naninibago lang ako sa sarili ko. Dati kasi bilang na bilang ko ang Date at Oras pag tuwing may pasok. Pero ngayon, Hindi ko na alam. Tch! Naluluko na kaya ako? Eto na kaya yung sinasabi nilang wierd? Tsk.
Triiiing!
Lunch na..
Inayos ko na ang mga gamit ko, balak kong pumuntang library, Hindi pa naman kasi ako nagugutom.
Tiningnan ko si Thea, Hm. May sinusulat siya? Tsk, Bakit ko ba siya pinakekeelamanan? Makaalis na nga.
Nasa library na ako at naghahanap ng mababasa. Habang may hinahanap ako may humihigit ng polo ko. Lumingon ako kung sino, Tch. Si Thea lang pala..
"Ahm, Hi.. May ipapakita sana ako sayo.."Hindi ko siya nilingon, may napansin nga akong notebook na malaki eh.
"Ano yun?"Hindi pa ako nakakahanap ng libro nang bigla niya akong higitin, Tss.
Pina'upo niya ako sa harap niya at may pinakitang notebook..Color white. Tumingin ako sa kanya na 'Anong-gagawin-ko-dyan-look', Ngumiti lang siya sakin at tumayo na..
"Ah..ehh..Ikaw nalang magbuklat, Ahm.. Sige ba'bye!" Gusto kong malaglag dito sa upuan dahil sa ka'cute-tan niya. Leche.. Ano bang pinagsasasabi ko? Tumango lang ako.. Siya naman, Parang Flash bigla nalang nawala..
Pagbuklat ko may nakita ako Lettering, Nakasulat ay " Gabriel 'Gab' Sam Francisco" Napangiti ako kasi bukod sa maganda ang sulat niya maganda rin yu-- Ts. Nevermind.
Sumunod na page may drawing, Napa-Wow ako sa ganda.. Ako ba 'to? Naks.. Sa susunod na page,Teka ako pa rin to ah? Bakit puro ako to? Akala ko 'Nerd' lang ang weirdo sabi nila pero meron palang weirdo na katulad ni Thea. Haha!
---
Nang matapos ang klase, dumeretso ako sa bookstore..Kanina napansin ko si Thea ang saya saya, pero nung uwian na ang lungkot. Bipolar din yung taong yun..Tch!
Lumabas na ako ng bookstore, may pupuntahan pa ako..Bibili pa ako ng pinabibili ni mama sakin..
"Bakit ba ang kulit niyo nila mama?! Sabing hindi ako sasama! Ihateyou i hate you!!" Napatigil ako sa sumigaw.Kilala ko yung boses na yun. Lumapit ako sa isang nakaharang na poste, nagtago ako at nakita ko si Thea..may kasamang lalaki, Hindi ko inaasahan na ang susunod niyang gawin kay Thea..Niyakap niya si Thea..
Parang may tumusok ng kung anong matilos na bagay sa puso ko. Fvck, bakit ganito nararamdaman ko? Grabe, eto na ba epekto ng pagiging 'Nerd' ko?
Aalis na nga ako baka makita pa nila-- "Ga-Gab?" Shit, bakit basag na ang boses ni Thea? Saka nakita niya ako.
Humarap ako ng dahan dahan, "B-bakit?" Sabi ko. Kumalas si Thea sa pagkakayakap dun sa lalaki at lumapit sakin. "A-anong ginagawa mo dito?" Basag na ang boses niya. Umiiyak siya, Bigla akong nanlambot, nanghina ako. B-bakit parang nasasaktan din ako kapag umiiyak siya? Fvck whats happening to me?!
"Ah eh..Napadaan lang ako, Hindi ko naman sinasadya na makita kayo dito.."Sabi ko, Kinamot ko yung batok ko..Bigla niya akong hinila sa kung saan, Hindi ko alam pero galit sakin yung lalaking kasama niya kanina.
Hindi ko namalayan na nandito pala kami sa rooftop..Lumayo siya sakin at sumilip sa tanawin,Nilalanghap niya ang sariwang hangin.
"Alam mo wala ng nagmamahal sakin.."Shit, iiyak nanaman ba siya? Tinignan ko siya..Halatang pinipigilan niyang maiyak. Bumuntong hininga siya bago magsalita ulit."Nararamdaman ko yun Gab,ang sakit.."Naman oh! Di niya ba alam may mga kaibigan naman siya. Tumingin siya sa mata ko. *tugtug..tugtug* Shet! B-bakit ang ganda ng kaharap ko?
Nilapitan ko siya at niyakap. H-hindi ko rin alam kung bakit ko siya niyakap. Hindi kasi ako marunong mag comfort pag dating dito. H-hindi ko nga alam kung tama ko ba siyang yakapin.. Bigla kong naramdaman na yumayakap rin siya pabalik at humahagulgol siya sa dibdib ko..
Hindi ko alam ang problema niya,pero hindi tama na tanungin siya ngayon..Alam kong masakit at mabigat ang nararamdaman niya. Wala naman siguro akong karapatang malaman kung ano yun.Lalo na't kung tungkol sa family niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin. "Thank you for being there for me.Kahit alam kong naiinis ka na sa kakulitan ko." Napangiti ako sa sinabi niya sakin. Sa totoo lang, unti onti niya binabago ang buhay ko.
---
A/N:
Guys Vote vote please, Thanks.-LostAndFound.
BINABASA MO ANG
Nerdy Guy (He's Love Story)
Teen FictionKaramihan babae ang nerd.Karamihan babae ang tahimik,lonely,at mahiyain. Pero paano kapag ang lalaki ang naging isang 'Nerd' ? Yung tipong tahimik,Mahiyain,Hindi kaya ipagtanggol ang sarili,May makapal na salamin sa mata,Pero matalino. Matatawag pa...