Chapter 12♚ Beside

35 1 0
                                    


             Gab POV.

Tatlong araw na ang nakalipas pa mula nung nagshopping kami ni Thea sa mall at bumili kami ng contact lens...Hindi ko naman sinusuot sa school ang bigay niya saking contact lens..Pero pamula nung binili niya ako ng contact lens, Umiiwas na siya ng tingin.Hindi ko alam kung bakit, pero nakakasama ko naman siya tuwing lunch.Ano kaya problema nun? Family nanaman ba?

"Tomorrow na ang last prom niyo..So, all you guys are ready?" Sabi ni maam rica. Nandito ako sa room, nasa likuran ko si Thea.

"Yes ma'am.."Sabay sabay namin sabi. Pero hindi umimik si Thea sa likuran ko. Hash! Nakakapanibago..ang tahimik niya. -___-

"Good..So, Class dismissed."Agad namang umalis si Maam Rica. Tamang tama tatanungin ko si Thea kung may problema ba siya..Teka? Kung wag nalang kaya?Tch. Wag na nga lang.

Inayos ko ang libro at notebook ko.Aalis na sana ako ng may humarang saking classmate ko,si Danica.

"H-hi.." Teka? Ako ba talaga kinakausap nito? Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"M-may ka partner k-ka na ba s-sa prom tomorrow?"Aniya.

Hahaha! nag papatawa ba to? Di niya ba alam na isa akong 'Nerd' at pede siyang mapahiya? Weird din pala to eh.

"Meron na.."Napatingin naman ako sa likod ko, si Thea.. Nakayuko siya habang sinabi niya yun.

"Aay, sayang naman.." Rinig kong bulong ni Danica at tuluyan na siyang umalis. Bumalik naman ang tingin ko kay Thea na kasalukuyang nakayuko pa rin, Problema nito?

"H-hey, problema mo?" Sabi ko at hinawakan ang kabila niya braso. Napatingin naman agad siya sakin at biglang ngumiti. Tsh! Ang bipolar din ng babaeng to eh. P-pero may napansin ako sa mga mata niya. May namumuong luha?

"O-okay ka lang?" Sabi ko at tinititigan siya sa mata.

Tumango lang siya at umalis sa harap ko. Hays! May problema lang yun kaya ganun. Di bale, baka gusto niyang mapag-isa muna..

Pupunta na ako sa next subject ko.

Naging mabilis naman ang oras ko, Kaso pa mula nung kinausap ko si Thea kanina, Hindi na ulit siya pumasok. Tsk! Tsk! Problemado. Hanapin ko nga siya baka kailangan niya ng kaibigan..

Naghanap hanap ako sa buong school. Nagpunta na ako sa rooftop,sa court,sa library at sa G-garden? Teka hindi ko pa napupuntahan ang Garden. Baka nandun siya.

Tumakbo agad ako at exactly! Nakita ko siyang nakaupo at yakap yakap ang tuhod niya..Lumapit ako sa kanya.

"Ehem.." Bigla naman siyang napalingon sakin. Bakas sa mukha niya na kakagaling lang siya sa iyak.

Umupo ako sa tabi niya."May problema ba?"Tanong ko at katabi ko na siya ngayon."P-pede bang payakap?"Hindi pa man lang ako nakakaimik sa tinanong niya rin sakin,Agad naman niya akong niyakap.

"B-bakit ganun?D-dapat hindi n-nalang ako umuwi..D-dapat hindi ko nalang sinunod ang gusto ng bestfriend ko..P-pero ginawa ko pa rin k-kasi..kasi ngayon sisingsisi na ako.."Naiiyak iyak niyang sabi..Hindi ko 'man maintindihan ang ibig niyang sabihin.Nakikinig pa rin ako.

"Nagsisisi a-ako..A-ayoko na ng ganito..Ang malas ko naman."Inilayo ko siya ng kaonti para makita ko ang maganda niyang mukha. "Kung anu man ang pinagdadaanan mo,Asahan mong nandito lang ako.."Shete, saan ko ba lupalop nakuha yung salitang yun? Epekto ba to ng pagiging 'Nerd' ko o sadyang gusto ko lang siya..

Siguro..

---
A/N:
Hi everyone!Please vote and comment.Hope you like it..Thanks!
-LostAndFound.

Nerdy Guy (He's Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon