Julie Pearl POV"Kamusta? May progress na ba sa pinapagawa ko sayo?" nakahiga ako ngayon sa sofa dito sa opisina ni Sir Roland.
Halos dalawang linggo na akong nagmamamanman pero wala pa rin akong malaman laman so kung sino ang kinakasama nito.
"May nalaman kana ba tungkol sa pinapagawa ko? Julie galingan mo sa trabaho mo kung ayaw mong mahagis kita mula dito papunta sa labas." napabalikwas naman ako ng bangon at masamang tumingin sa tito ko.
"Bakit ko nga ba ulit ginagawa to?" tanong ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang sinasabi niya sa akin na alam ko na ang sagot sa tanong ko.
"Aishh! Pesteng Ash Vladimir na yan bakit ba ang galing-galing niyang mag tago!" nakasimangot kung sabi bago tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Sir Roland sa akin.
"Aalis na muna ako Sir Roland. May irereport ako ngayon tungkol sa isang drug pusher na namatay sa buy bus operation." sagot ko bago umalis. Hindi lang naman siya ang trabaho ko pero masyado kung inatupag ang pagmanman ko sa kanya. Naalala ko pa ng pakiusapan ko si Josh na doon muna ako sa condon nito pero ang nangyari labas pasok ako lang ang ginawa ko.
Dalawang araw din akong namalagi sa condo ni Josh pero wala namang malisya iyon dahil nga mabait na tao si Josh. Ang nakakainis lang wala man lang nangyari. Naalala ko ulit tuloy kung paano ako napakaripas ng takbo papunta sa pintuan ng condo ni Josh ng makita kong papalabas ng elevator si Ash.
FLASHBACK
"Hindi ka ba talaga papasok? Kanina kapa dyan." tanong sa akin ni Josh dahil nag-aabang na naman ako sa labas ng condo nito. Marahan naman akong umiling sa kanya.
"Hindi na muna, pasok kana mamaya-maya papasok na din ako." nakangiti ko pang tungon napipilitan naman itong napatango pero hindi na niya ako tinanong pa.
Nang makapasok si Josh sa loob ay naglakad-lakad ako pabalik-balik sa hallway. Hindi ko alam kung nakailang balik na ako ng tumunog ang elevator sakto na napaharap ako doon.
Parang nag slow motion ang pagbukas ng elevator at mukha ni Ash ang nakita ko. Dahil sa gulat ng makita ko si Ash Vladimir ay nagmamadali akong tumakbo papunta sa condo ni Josh.
"Ano nga ba ulit password?" nanginginig kung tinipa ng mabilis ang birthday ni Josh. Nagdiwang naman ang buo kung sistema ng mag bukas ito ng papasok naman ako ay biglang naiwan ang tsinelas ko.
"Malas." dahan dahan akong napatingin sa gawi ni Ash at nakakunot ang noo niya sa akin. Mabilis pa sa alas kwarto na sinipa ko ang tsinelas ko papasok sa loob at walang sabi sabing isinara ko ang pintuan ng condo ni Josh.
Bakit ba ako tumakbo? Aishhh nakakahiyaaa!
End of flashback
Nang makalabas ako ay padabong akong naglakad na parang bata. Masama din ang awra ko kaya napapatingin sa akin ang iba kong mga katrabaho. Paano 'di sasama ang awra ko naalala ko na naman ang nangyari huhu. Idagdag mo pa na napressure ako kay sir Roland.
Walang nakakaalam na uncle ko si Sir Roland dahil mas pinili namin na ilihim iyon. Hindi din maganda sa reputasyon niya ang mga nangyari sa buhay namin. Kapatid niya ang papa ko matagal na simula ng mag-asawa ito at naging isang chef director dito sa PBC News. (Philippine Broadcast Company)
May isang hostage daw na nangyari sa Makati Bank kaya kailangan namin pumunta doon at kumuha ng impormation. Agad naman kaming nagtungo doon ni Mang Neo para kumuha ng balita tungkol sa nangyaring hostage.
BINABASA MO ANG
Paano Ba Mainlove? (On-going)
RomancePaano kung hindi pa tumitibok ang puso mo sa isang lalaki? Mawawala ka na din sa calendaryo pero wala ka pa ring karanasan sa pag-ibig. Ano na lang mangyayari sa kanya? Forever na ba siyang magiging single o makakahanap siya ng lalaking magpapatibo...