Chapter 5

15 4 0
                                    


Julie Pearl POV

Dear Diary,

Ito na nga naloloka na ako sa buhay ko dahil sa pesteng pinagawa sa aking ng tito ko slash boss ko nagkanda letche-letche na ang buhay ko! Una sa lahat nawala ang first kiss ko na matagal ko ng pinangalagaan para sa first boyfriend ko na nawala ng dahil sa Ash na yun! Diary gusto ko ng bumalik sa lahat sa dati! Ano bang kailangan kung gawin huhuhu?!

Matapos kong magsulat sa diary ko ay tinago ko ito sa durabox ko. Nag-ayos na din ako ng sarili ko para sa pagpasok mamaya sa PBC. Apat na araw akong hindi pumasok at talagang wala akong kikitain sa oras na hindi na naman ako pumasok ngayon. Paano ba naman eh kahapon lang umupa ang issue sa amin ni Ash pasalamat na lang talaga ako dahil may bagong issueng pinagkakaabalahan ang mga reporter ngayon. Baka mangisay na ako ng wala sa oras dahil sa stress.

"Hoyyy Perlasss!" sigaw ng ate ko habang kumakatok ng malakas sa pintuan ko. "Hoyy lumabasss kana dyan daliii! Hoyy sabing lumabas kana ehh gigibain ko tong pintuan mo!" sigaw nito habang kinakatok pa rin ng malakas ang pintuan ng kwarto ko.

Ang gaga may balak pa atang gibain talaga yung nag-iisang pintuan ng kwarto ko. "Ano ba yun?! Kitang nagbibihis yung tao eh!" singhal ko sa kanya pero binuksan ko pa rin ang pintuan ng kwarto ko kahit na hindi pa ako tapos magsuot ng damit ko. Nagmamadali kasi eh akala mo naman mawawala ako.

Nakasuot lang ako ng sando at panty dahil hindi pa naman ako talaga ako tapos magpalit. Para namang nakakita ng multo si ate Gemma ng makita ang itsura ko.

"Walanghiya kang babae ka may bisita ka!" mariin niyang bulong habang palihim na tinuturo yung likod nito. Doon ko lang napagtanto na may kasama pala ito.

Hindi ko kasi agad ito napansin dahil kay ate Gemma na nakaharang sa bisitang sinasabi niya.

Taas noo kung tinignan ang nasa likod nito pero napatili ako ng malakas at pabagsak kong na isara ang pintuan ng kwarto ko.

"Namamalik mata lang ba ako?" tinuro ko ang sarili ko pero umiling ako ng ilang beses.

"Tama ba yung nakita ko?" tinapik ko ang magkabilang pisnge ko. "Hindi namamalikmata ka lang Julie Pearl." tumawa pa ako ng malakas habang umiiling ulit sa sarili ko.

"Hindi naman si Ash yun eh, baka namalikmata lang ako baka si Sasha yun o 'di kaya si Dymple yun." pagkukumbinsi ko sa sarili ko malabo naman kasi na maging si Ash yun hahaha.

Ano nga bang gagawin ng isang Ash Vladimir dito sa maliit na bahay namin. Ni kahit nga ata dapuan ng alikabok ay hindi niya gusto dito pa kaya sa amin na punong-puno ng basura. Palibhasa walang mga disiplina ang mga tao sa pagtapon ng mga basura nila.

Kaya nasisira at napupolyusyon ang mundo dahil sa kawalan ng disiplina sa sarili. Dahil sa kakaisip ko sa Ash na yun ay nakikita ko na din ito.

"Hoyy! Bilisan mo magbihis dyan dahil hinihintay ka ni Ash." sigaw ni ate Lyn na ikinalumo ko. Hindi nga ako namamalik mata si Ash nga yun.

"Bakit siya nanditooo?!" pigil na pigil kung tili habang nagpapadyak at ginugulo ang sarili kung buhok kung pwede nga lang maglaho na parang bula baka kanina ko pa ginawa.

Muli kung tinapik ang pisnge ko at tuluyan na akong nagbihis ng damit ko. Lumabas na ako ng bahay nakita ko si Sasha na pinagpyepyestahan ng pamilya ko. Ewan ko ba sa kanila gustong-gusto nila na nandito si Sasha kaysa sa akin na anak nila.

Lumingon lingon ako. "Asaan si Ash?" inosente kung tanong sa kanila.

Pero taka lang silang nakatingin sa akin. "Anong Ash ang sinasabi mo dyan? Nababaliw kana ba anak?" tanong ni tatay sa akin habang kumakain.

Paano Ba Mainlove? (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon