Chapter 3

27 6 3
                                    


Julie Pearl POV

"Arghhh! Kailan ba sila titigil kakatanong sa akin?!" itinapon ko sa paanan ng kama ang cellphone ko. Ilang araw na akong nakakulong sa bahay ng magulang ni Ash at ito na nga kada open ko ng facebook ko lagi nila akong tinatadtadan ng tanong kung totoo bang boyfriend ko si Ash o kung paano naging kami na ginayuma ko ba siya o ano!

Seriously? Ako gagayumahin ang isang tulad nun? Neknek nilang lahat ano akala nila sa beauty ko? Sabog sabog na nga ako tapos sabog pa ang notification ko sa facebook sabog na din ang cellphone ko sa kakatawag ng pamilya ko lalo na ang boss ko. Maloloka na nga ako sa nangyayari sa isang iglap bigla na lang nagbago ang lahat. Simpre maliban sa mukha kung maganda pero inuulit ko sabog nga lang.

"Kasalanan to ng lalaking yun ang sarap niyang ihagis sa manila bay habang palutang lutang ang katawan nakakainis! Kailan ba ako makakauwi?!" kung pwede ko lang sanang sabihin na hindi ako ang girlfriend niya pero malabong mangyari yun dahil walang maniniwala sa'kin. Simpre sino ba namang tanga ang ipapakilala ka ng isang sikat na actor tas sasabihin ko lang na hindi yun totoo. Malamang sa malamang babatusin na naman ako ng mga basher. Ngayon pa nga lang na napakilala ako ng kumag na yun ay may mga nababasa na akong hate comments para namang gusto ko ang nangyari sa akin kung makabatikos sila.

Tumayo ako mula sa kama na inuupuan ko kanina. Inimagine ko na sinusuntok at sinisipa ko si Ash Vladimir dahil sa galit ko ay binilisan ko pa ang pagsuntok sa imaginary Ash na nasa harapan ko.

"Nababagay sayo yan!" kinuha ko pa ang unan at binato ko iyon sa harapan ko. "Bwesitt ka sa buhayy koo!" kumuha ulit ako ng unan at yun naman ang pinagsusuntok ko.

"Ang lakas ng loob mong ipakilala akong girlfriend mo! Hoy para sabihin ko sayo hindi ko pinapangarap na maging boyfriend kita!!" nanggigigil kung itinapon ang unan tumama iyon sa gilid ng pintuan.

Nanlalaki naman ang mata ko nang nakita ko doon si Ash na nakasandal habang nakacross arm pa na nakatingin sa unan na itinapon ko.

"Tapos kana ba sa kabaliwan mo? FYI, wala akong choice kundi ang ipakilala kita bago mo pa maipagkalat yung secreto ko." umayos siya ng tayo nagpamulsa ito at naglakad lakad sa loob ng kwartong inuukupa ko.

"Pinapatira na nga kita dito burara kapa. Hindi ba uso sayo ang maglinis?" lumingon siya sa akin habang nakataas ang kilay tumaas din ang kilay ko sa kanya. Ano naman kung magulo ang kwartong inuukupa ko salanan din naman niya kung bakit dinala-dala pa niya ako dito.

"Kung ayaw mo ng burarang tao edi pauwiin mo na ako ganon lang naman kasimple yun." sa loob ng ilang araw na nandito ako ilang beses ko ng sinubukan na makatakas pero hindi ko naman alam na punong puno ng guard ang bahay nila. Yung tipong pang men in black talaga ang peg. Nakakaloka sila biruin mo tinutukan nila ako ng baril hindi lang isa kundi limang baril ang nakatutok sa akin.

Hindi ako takot sa isabg baril pero takot ako sa limang baril takot ko na lang na maputukan ang utak ko.

"Magpalit ka ng damit mo, may pupuntahan tayo." ani niya bago ako iniwan ng mag-isa.

"Hoyy tekaa! Saan tayo pupunta? Iuuwi mo na ba ako?!"sigaw ko sa kanya pero huli na dahil nakasara na ang pintuan.

"Uuwi na kaya ako?!" excited kung tanong sa sarili ko. 

Uuwii na ako yesss!! Nagmamadali akong naligo at inayos ang sarili ko. Kailangang maging presentable ako sa mga magulang ko dahil sigurado ako na uusisain nila ako. Kailangan ko silang mapaniwala na hindi ko totoong boyfriend ang lalaking yun.

Nang matapos akong naligo ay agad akong nagtungo sa kabinet kung saan ko inilagay ang pinabiling damit ni Ash sa akin habang namamalagi ako dito sa bahay nila. Napilit ko ang isang floral red dress at isang pares ng high heels.

Paano Ba Mainlove? (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon