akseri milkkoppr imyourpatottie RoseeeVT bileysie Haxeeee sominc melsinar LHIMEATIN DaisySaquez Imjazzmn motchinopya Leilly25 renn_joyyce seancrystal SkyBlueRead Phanie2004 ughyisha Zildtrix
Ash POV
"Ash bakit ba bigla bigla mo na lang ka na lang nag-announce na girlfriend mo ang isang reporter?" naiinis na ni Benji. Ito ang manager ko na pinagkakatiwalaan ko sa ibang bagay.
Ito kasi ang unang nakapuna ng talento ko padating sa pag-arte kung hindi dahil sa kanya malamang ay wala ako ngayon dito sa buhay showbiz.
"Ben naayos mo naman na lahat ng schedule ko kaya ok na yun. Hindi na din ganon kainit ng mata sa amin ng netizen kaya relax kana lang dyan." sa limang araw na huli naming pagkikita ni Julie Pearl ay mas naging busy ako sa trabaho ko.
Kinailangan ko ding habulin ang schedule ko dahil sa ilang weeks na pagpapahinga ko. Kakatapos lang din ng shooting ko ngayong umaga at may shooting na naman ako mamayang tanghali.
"Ash ito na yung pinapabili mong cappuccino." inabot ng personal assistant ko ang hawak nitong kape. Inabot ko naman yun at nagpasalamat sa kanya.
"Magpahinga ka muna dito kakausapin ko lang si Direk." paalam ng manager ko habang sumisimsim ako ng kape.
Hindi na ako nag-abala pang sumagot dahil alam nilang hindi ako pasalita lalo na kung pagod ako dahil sa dami ng shooting ng ginawa namin.
Nandito kami ngayon sa Tarlac para magshooting sa bago kong movie. Madaling araw din kaming nakadating dito at pagkadating namin ay agad kaming nag shoot ng eksena. Ipinikit ko ang mata ko at sumandal ako sa inuupuan ko.
Medyo inaantok pa ako kaya nagpabili ako ng kape. "Ash kanina pa tumutunog yung cellphone mo hindi mo ba sasagutin?" nanatili ako sa posisyon ko.
"Sinong tumatawag?" pagod kung tanong sa kanya.
"Ahh girlfriend mo yung tumatawag." mabilis naman akong napaayos ng upo ko, kinuha ko ang cellphone ko sa kanya.
Napangiti ako ng makita kung si Mazy ang tumatawag nakalagay kasi sa cellphone ko ay Mine. Sinenyasan ko ang P.A ko na umalis sa tend na inuukupa namin.
Yumuko naman ito bago lumabas ng tent hinintay ko pa talaga na lumabas ito bago ko sinagot ang tawag. "Hello? Sorry kung natagalan akong sagutin yung tawag mo. Kakatapos lang ng shooting ko." agad na sagot ko sa tawag niya.
"Nah it's nothing, ako nga ang dapat mag sorry kasi hindi ko nasagot ang tawag at reply mo. Medyo nag-iingat lang ako dahil mainit ang mata sayo ng media isa pa ayokong makahalata ang asawa ko." nakuyom ko ang kamay ko sa narinig ko.
Saglit din akong natahimik dahil sa sinabi niya. "Alam mo naman na ayokong sinasabihan mo ang lalaking yun na asawa mo siya. Wala ka pa rin bang balak makipagdivorce sa kanya?" mahina ngunit nangigigil kung tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Paano Ba Mainlove? (On-going)
Storie d'amorePaano kung hindi pa tumitibok ang puso mo sa isang lalaki? Mawawala ka na din sa calendaryo pero wala ka pa ring karanasan sa pag-ibig. Ano na lang mangyayari sa kanya? Forever na ba siyang magiging single o makakahanap siya ng lalaking magpapatibo...