Julie Pearl POV
"Ouch! Masakit dahan-dahanin mo naman!" reklamo ni Ash habang nilalagyan ko ng ointment ang sugat nito sa siko. Kung gugustuhin ko nga lang sana mas pipiliin ko pa ang alcohol na ibuhos sa sugat nito kaysa sa ointment.
"Masakit talaga yan! Aba kasalanan mo din yan bakit kasi hinabol mo pa ako. Napada ka pa tuloy na parang isang bata buti sana kung may palaka kang nakuha." idiniin ko ng husto ang pagkakadampi ng bulak sa siko nito.
"Arayy!! Nananadya kana ah! Saka wag mo nga akong asarin sa mga sinasabi mo kasalanan mo din to dahil tumakbo ka." hinawakan pa niya ang braso ko gamit ang isa nitong kamay.
"Bitawan mo ako o sisipain ko yung tuhod mo." pagbabanta ko sa kanya may sugat din kasi ito sa tuhod na kakatapos ko lang gamutin kani-kanina lang.
Bigla niyang inilapit ang mukha nito sa mukha ko. "Sige subukan mo at hahalikan kita." natigilan naman ako dahil sa pagbabanta niya. Sinubukan kung makawala sa pagkakahawak nito sa kamay ko pero mas hinigit niya lang ako papalapit sa kanya.
"Natahimik ka ata." may ngising sabi niya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin pero agad din akong tumingin sa kanya.
"Kung hahalikan mo ulit ako sisiguraduhin ko na mababaog ka...Ahh nakakalimutan mo din ata na hinalikan kita?" mas inilapit niya ang mukha nito sa akin.
"Sige sa pagkakataong to maghalikan tayo." sbo niya naikinalunok ko ng laway.
Ilang dakla na lang ang layo namin sa isa't isa konting galaw ko lang panigurado maglalapat ang mga labi namin. Halos maduling na din ako dahil sa lapit ng mukha namin pero napatingin ako sa mapupula niyang labi.
"Julie." paos niyang anas sa pangalan ko.
Napapikit ako dahil sumakit ang mata ko kakatingin sa mata niya. Nagdadalawa kasi ang paningin ko baka masira pa ang mata ko dahil sa kagagawan ng lalaking to!
"Ashhh! Anak nandito na kami—ohh my goshh!" napamulat ang mga mata ko at parehas kaming napatingin ni Ash sa pintuan kung saan nandoon ang mga magulang nito na gulat na gulat sa posisyon namin.
"Pasensya na nakakaistrobo ata kami." makahulungan na ani ng papa ni Ash sa amin.
Bigla naman akong tinulak ni Ash dahilan para mapaupo ako sa sahig. Grabe naman sa late reaksyon tong mokong na to!
"Ok ka lang ba ija? Ash! bakit mo naman tinulak yung girlfriend mo!" naglakad pa ito palapit sa akin para tulungan akong makatayo.
"Akala ko next month pa kayo uuwi?" naiilang na tanong ni Ash sa mga ito.
"Ano ka ba naman anak simpre kailangan namin makilala yung girlfriend mo." ani ng mama nito habang hinahaplos pa ang buhok ko.
Awkward naman akong ngumiti sa kanila. "Mukhang pagod po kayo sa byahe niyo magpahinga na muna po kayo." suggestion ko sa kanila dahil madami silang dala dalang maleta.
Nagpapalakpak naman ang mama ni Ash. "Oo nga madami akong mga pasalubong sayo pero mamaya na lang natin buksan medyo may jetlag pa ako eh. Dito kana mag hapunan mamaya ahh." hindi ko alam kung anong dapay kung sabihin kaya mas minabuti ko na lang na tumango.
"Sige po ma'am." ani ko sa kanya.
"Wag mo na akong tawaging ma'am feeling ko ang tanda-tanda ko na. Mom o mommy na lang ang itawag mo sa akin." abot-abot pa ang ngiting ani nito sa akin.
"Sige po mom." napipilitan man ay mas minabuti ko ng sabihin yun para hindi humaba ang usapan.
"Hon mauuna na ako sa taas ah." ani ng mommy ni Ash bago ito nagtungo papanhik sa daan.
BINABASA MO ANG
Paano Ba Mainlove? (On-going)
RomansaPaano kung hindi pa tumitibok ang puso mo sa isang lalaki? Mawawala ka na din sa calendaryo pero wala ka pa ring karanasan sa pag-ibig. Ano na lang mangyayari sa kanya? Forever na ba siyang magiging single o makakahanap siya ng lalaking magpapatibo...