ianzkieeee queenivone Jang_3 cayetxx alikim22 LahamOteli Fair_lymps Luenlie asanaga xeliekim Alyorange srndptysks Lunn23 jhobelyns AA6028 jhaziah_ iacirt Chel015 _ebabes
Julie POV
"Alam mo ba kung ilang oras mo na yang ginagawa?" naiinis na sabi sa akin ng ate kong si Jeanne Lyn. Siya yung sinasabi kung may asawa na.
Inuntog ko ulit ang ulo ko sa lamesa namin dito sa kusina, hindi ko na mabilang kung ilang minute o oras na akong ganito at pinapanood lang ako ng magaling kung ate.
Inuntog ko pa ng dalawang beses ang ulo ko bago dahan-dahang tumingin sa kanya. Napaatras naman ito sa gulat. "Shemas! Alam mo ba kung gaano kapangit yang mukha mo? Akala ko ikaw si sadako dahil dyan sa itsura mo! Mas lalo kapang pumangit!" singhal niya sa akin uminom pa ito ng tubig habang hawak hawak ang dibdib nito.
"Wag mo naman sanang ipahalata na nilalait mo ako." naisubsob ko ang pisnge ko sa ibabaw ng lamesa.
"Nababaliw na ba ako ate? Bigla na lang akong nagalit sa kanya tapos bigla na namang gumaan ang loob ko! Worst I hug him back!" inumpisahan ko ulit na iuntog ang ulo ko sa lamesa dahil sa katangahan ko.
"Ang tanga tanga ko, Ang tanga mo Julie...ang tanga—"
"Ikaw na din naman nagsabi kanina na may feelings ka dun sa Ash na yun eh pero hindi talaga ako makapaniwala na hindi kayo, I mean magkasama kayong dalawa ng nagpunta ka sa tarlac tas hindi ka pa natulog dito kundi doon pa sa condo niya pero hayaan mo na yun ang mahalaga mabingwit mo siya. Aba ang swerte mo na kaya dahil nagkagusto sayo ang isang idol." umangat naman ang tingin ko sa kanya humihigop ito ng kape napansin ko din na limang tasa na ng kape ang nakalapag sa lamesa.
"Don't tell me, ininom mo lahat yan?" tukoy ko sa wala ng lamang tasang kape. Inirapan naman niya ako dahil sa pagkairita sa tanong ko.
"Sa tagal mo ba namang iuntog yang ulo mo ano sa tingin mo ang gagawin ko? Kung naguguluhan ka sa nararamdaman mo sa hindi ko alam na dahilan at gusto mo ng assurance edi mas pabaliwin mo siya."
Napakunot naman ako sa sinabi nito. Pabaliwin? Pwede ba yun? Wala pa naman akong balak na maging kriminal.
"Ate reporter ako at hindi ako kriminal isa pa alam mo namang bawal ang drugs na pampabaliw dito sa pilipinas—"
"Gaga! Hindi ko naman sinabi na baliwan mo siya sa paraan nainiisip mo! Hindi ko din pinangarap na magkaroon ng kapatid na kriminal no." inabot niya ang noo ko itinulak niya iyon dahilan para mapaatras ang mukha ko.
Tinabig ko naman ang kamay nito, ang hirap dito sa kapatid ko siya na nga ang expert sa buhay pag-ibig tapos hindi pa iexplain sa akin ng mabuti alam na ngang wala akong kaalam-alam sa ganjtong mga bagay. Anong akala niya sa akin si madam awring na huhulaan kung anong mangyayari.
"Ano ba kasing ibig sabihin mo? Ang gulo-gulo mo kasing kausap eh nakakaimberyna!" nabwebwesit kung sabi sa kanya.
Akmang babatukan niya ako ng mabilis akong nakailag bago pa niya yun magawa. "Ang kapal mo talagang bata ka! Ikaw na nga tung tumawag sa akin para manghingi nang advice bahala ka dyan!" sigaw niya bago niya ako iwan sa kusina. Napasimangot na lang ako dahil nag walk out ito.
BINABASA MO ANG
Paano Ba Mainlove? (On-going)
Storie d'amorePaano kung hindi pa tumitibok ang puso mo sa isang lalaki? Mawawala ka na din sa calendaryo pero wala ka pa ring karanasan sa pag-ibig. Ano na lang mangyayari sa kanya? Forever na ba siyang magiging single o makakahanap siya ng lalaking magpapatibo...