Swipe left... swipe left... swipe left... Woah, hottie! Swipe right... Meh, swipe left...
'Kanina ka pa busy kakahanap ng makakalandian mo diyan bitch.' Nabasag ang katahimikan sa loob ng kotse nang magsalita si Zarah.
'Bakit ba? Ikaw lang pwede lumandi?' Pagtataray ko naman sa kanya habang nakataas ang kaliwang kilay ko at tuloy pa rin sa ginagawa ko.
Sinubukan niyang hilahin ang phone ko pero hindi siya nagtagumpay. 'Itigil mo na yan, maraming hot guys doon sa pupuntahan natin, mas may chance ka pa doon kaysa diyan sa dating app na yan.'
'Alam mo panira ka! Na-swipe left tuloy yung pogi!' Tawa lang ang naging tugon niya sa pagtataas ko ng boses sa kanya.
'Hayaan mo na Drake, I swear, pagdating doon sa bar, sari-saring uri ng lalaki makakasalamuha mo.' Pagsingit naman ni Nico na busy sa pagmamaneho ng sinasakyan naming SUV.
'Ikaw na lang kaya, halika dito baby!' Inasar-asar ko ng pangangalabit at pangingiliti sa leeg si Nico at tumawa naman ang kanyang girlfriend na nakaupo sa tabi niya.
'Hoy Drake, akin yan! Sasaksakin kita.' Pagbibiro ni Trice. Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay at tiningnan nang masama.
'Akin ka diyan! Agawin ko pa sayo si Nico, mas maganda ako sayo.'
'Okay lang, wala ka namang keps.' Pamalik na bato ni Trice sa akin.
'Mas magaling ako mag-blowjob sayo!'
'Ay talaga?! Try mo nga! Isubo mo 'tong kambyo!' Tawa nang tawa si Zarah sa mga sagutan namin ni Trice.
Nang laruin ko na parang ari ng lalaki 'yung kambyo ay agad na sinampal ni Nico ang kamay ko, lahat kami ay nagtatawanan sa ginawa ni Nico.
'Dudumihan mo pa kotse ko hayop ka!' Natatawang sabi ni Nico. 'Wag kang mag-alala, marami kang malalarong batuta doon sa bar na pupuntahan natin, mamili ka lang. Mas malalaki pa sa kambyong 'to.' Hinawakan niya ang kambyo at nag-shift mula sa 2 papunta sa 3 at bumilis ang andar ng sasakyan.
'Gaano ba kaganda 'tong bar na pinagsasabi niyo?'
'Basta maganda. Parang typical na may DJ, maraming-maraming alak, foods, pulutan, dance floor, and... malawak ang cubicles sa CR.' Nangingiting sabi ni Trice.
'Ay! Gusto ko yung malawak ang cubicles sa CR!' Nag-abot ang mga palad namin ni Trice at nagtawanan kami.
'Landi mo talaga.' Natatawang sabi ni Nico sa akin.
Ilang sandali pa at sa wakas ay narating din namin ang sinasabi nilang bar. Wala akong makitang signage na bar 'yon, walang pangalan na umiilaw sa itaas, basta all black na glass walls lang ang makikita at ang nag-iisang may ilaw ay yung sumasayaw na ambient lighting sa entrance kung saan nakatayo sa harap ng frosted glass na main door ang dalawang bouncer.
Sa gilid ay ang valet parking, doon kami dumiretso at nagsibabaan na kami ng sasakyan nang lapitan ng taga-valet service ang sasakyan namin. 'Baby, may ID ka? Baka di ka papasukin.' Sumimangot si Trice sa sinabi ni Nico at natawa naman kami ni Zarah.
'Mga gago! Mukha naman akong pa-thirty na kahit ganito height ko noh!' Pagdepensa niya sa tawanan naming tatlo sa kanya.
Isa-isa kaming inusisa ng mga bouncer, si Nico ang nag-present ng pass naming apat dahil siya ang member at kami ang guests niya. Maximum of three daw ang pwedeng dalhin ng isang member kaya saktong sakto kaming apat.
BINABASA MO ANG
What Happened Last Night
Short StoryWhat if I tell you "pangit ka" at sang-ayunan ako ng lahat, kahit ang totoo ay hindi ka naman talaga pangit? Ie-embrace mo ba ang title na "pangit ka" para lang sa ikatatahimik ng lahat? O habang buhay mong ipaglalaban na mali ako at mali ang iniisi...