Part 3

2 1 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas pero hanggang ngayon nababagabag pa rin ako sa nangyari ng gabing 'yon. Hindi mawala sa isip ko yung babaeng 'yon, isang gabi lang nangyari ang lahat ng 'yon! Ni hindi ko nga nalaman kung anong pangalan niya o kung saang lupalob ng Earth siya nanggaling, basta ko na lang siyang dinala sa condo ko at... disgustingly, may nangyari sa aming dalawa! I never thought this cock of mine will ever get to taste a... a pussy! Kadiri! Hindi kami talo! Bakit ko ba kasi ginawa yon?! Nakakadiri talaga! Paano kung may AIDS yung girl na 'yon?! Paano kung nabuntis ko siya?! Shit, kabakla kong tao magkakaanak ako?! That's crazy! Ang gusto ko lang ay makipag-make out sa mga hot guys na makikilala ko, ayokong magka-responsibility sa... girl! Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko lahat ng 'yon? Oh my god naman talaga!

'Hoy girl! Daydreaming lang ang peg?!' Nabalik ako sa reality nang pitikin ni Alexa ang ilong ko. 'Kanina pa nagiiskandalo 'yang cellphone mo hindi mo pinapansin!' Dinukot ko yung phone ko sa bulsa ng jacket ko at tiningnan yung screen at agad na sinagot.

'Bakit baby Nico?!' Excited kong sagot at natawa naman ang katrabaho ko sa pambungad ko sa tumatawag sa akin.

'"Baby" ka diyan, sapakin kita. Hoy, sasama ka ha, babalik tayo sa Magic Theatre.'

'Huh? Anong "Magic Theatre"?'

'Bar kung saan ka biglang nang-ditch.' Rinig ko ang pagka-bitter niya sa ng tono ng pananalita niya. 'Sasama ka ulit ha.'

'Wait, kailan ba?'

'Saturday night ulit. Ngayong weekend na yan ha.'

'Paano kung hindi ako pwede?'

'Magtatampo ako. Hinding-hindi na kita kakausapin.'

'Wow, kailan ka pa nagkapake sa akin?' Tanong ko.

'Always, baby. Always.' Napangiti ako at umaktong kinikilig.

'Ikaw ah! Agawin kita kay Trice diyan eh!'

Rinig ang pagtawa ni Nico sa kabilang linya. 'Gago, birthday celebration ko kasi yon nang tayo-tayong apat magkakasama.'

'Birthday mo sa Saturday?! Anong date ba--'

'Monday next week pa birthday ko pero sa Saturday tayo magce-celebrate kasi 'yon lang 'yung araw na kumpleto tayong apat. Sa birthday ko kasi family celebration lang gusto ng mga kapatid ko, sa Shangri-La Hotel kami magce-celebrate.'

'Ay wow, yaman. Damay niyo naman kami, kahit ibang room lang.' Pagbibiro ko.

'Tanga libre lang 'yon ng kapatid ko kasi doon siya nagtatrabaho, may katungkulan siya doon. So... sa Saturday ha, hindi pwedeng hindi ka sasama.'

'Oo na, oo na. Saturday. Basta ikaw ulit susundo, ikaw lang may kotse eh.'

'Oo sige. Bye!' Hindi na ako nakasagot nang maputol na agad ang linya kaya binalik ko na lang ulit 'yung phone ko sa bulsa ng jacket ko.

'Sino 'yon? May bago ka na namang boylet?' Tanong ni Alexa.

'Si Nico, kabarkada ko.'

''Yan ba 'yung hottie mong friend na nakikita ko sa IG mo?' Tumango ako sa tanong niya at noon ko pa lang sinimulang galawin 'yung pagkain ko. 'Nico pala pangalan 'non, ipakilala mo naman ako!' Tumawa ako sa sinabi niya.

'Sige pero tingnan muna natin kung maghihiwalay sila ng girlfie niya.'

Agad na napalitan ng simangot ang sabik na mukha ni Alexa. 'Ay, buwisit ka.'

What Happened Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon