Sinadya ko nang puntahan si Zarah sa kanila, wala na akong pakialam kung magka-absent ako at madungisan ang maganda kong record na never nagka-absent at never na-late. I think this shit is far more important than anything else right now. It's not about going after a girl, this is about everything about my entirety.
Suot ang paborito kong hoodie ay naghintay ako sa labas ng gate ng bahay nila Zarah dahil ayoko nang makita pa ng pamilya niya. Alam kong hindi pa siya nakakauwi dahil pa-out pa lang 'yon nang ganitong oras. Naghintay lang ako nang naghintay sa labas kahit medyo maulan. Pasulyap-sulyap ako sa paligid, nagbabaka sakaling makita si Zarah.
'Di kalaunan ay sa wakas, nakita ko rin siyang naglalakad pauwi. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa gate ng bahay nila, tsaka naman ako nagpakita sa kanya.
'Zarah!' Nang makita niya ako ay nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat at halatang hindi niya alam ang gagawin niya. 'Zarah.' Nagmadali siyang hugutin ang susi mula sa bag niya at sinaksak sa keyhole ng gate pero natigil siya nang makalapit agad ako sa kanya. 'Zarah, I know we're... not yet... okay, after ng nangyari. I just want to talk to you--'
'Drake, leave me alone.' Pinihit niya ang susi na nakasaksak sa keyhole ng gate at bumukas ito.
'Zarah, please. Mag-usap tayo.' Pumasok siya sa gate at tinulak ako para hindi ako makasunod sa kanya sa loob.
'No!' Sinasara niya na 'yung gate pero pinipilit kong itulak para hindi niya masara. 'Drake, let go!' Para kaming tanga na nagtutulakan ng gate hanggang sa nabuhay na naman ang pagka-bitch ko at kinalampag ko 'yung gate. Napaatras siya kaya nakapasok ako.
'Bitch, hindi lang ako 'yung kailangang magpaliwanag sa atin!' Pagtataray ko at hindi siya nakasagot.
Nagawa ko siyang pasamahin sa akin isang hindi mataong restaurant para doon namin pag-usapan ang lahat. This is it Drake, sabi ko sa sarili ko, there's no turning back.
May lakas na sana ako ng loob para sabihin sa kanya ang lahat pero gusto niyang makipag-usap sa akin nang nandyan sa tabi niya sila Trice at Nico. Ayoko sana pero sinabi ni Zarah na hindi niya ako kakausapin kung hindi ko papapuntahin sila Trice dahil kaibigan ko sila at may karapatan silang malaman ang tungkol sa amin ni Zarah. At naisip kong may karapatan din silang malaman ang tungkol sa tunay kong pagkatao kaya pumayag ako. Naghintay kami ng halos dalawang oras sa labas ng restaurant para lang makumpleto kami. At ito na, nakaharap na ako sa kanilang tatlo. Wala na talagang atrasan 'to.
'Ako muna ang magpapaliwanag.' Sabi ko tapos huminga ulit ako nang malalim bago nagsimula. 'Remember the night at the Magic Theatre? 'Yung night na iniwan ko kayo?' Tinaasan ako ng kilay ni Zarah bilang pagtugon. 'I lied to all of you. May kasama akong umuwi ng gabing 'yon. Si Misty. Siya 'yung girl na nakaaway mo bago kita pinabalik sa puwesto natin.'
'What?! What do you mean?! How is that even possible?!' Tanong ni Zarah.
'Who is this Misty?' Tanong ni Nico.
'Waitress doon sa Magic Theatre.' Sagot ko.
'Paano... eh diba you hate girls?' Tanong naman ni Trice.
'Listen first--'
'May nangyari ba sa inyo?' Tanong naman ni Nico.
'Yes.'
'Shit.' Sabay-sabay nilang tugon.
'But hindi ko alam lahat ng 'yon! Wala talaga akong naaalala ng gabing 'yon, sobrang nalasing ako, siya lang ang nagsabi sa akin ng lahat ng nangyari.' Sumandal si Zarah sa upuan niya na parang disappointed sa lahat ng pinagsasabi ko. 'Hear me out, I didn't know why I did that either. Okay naman na sana ang lahat, I was just going to keep that shit to myself kasi ayoko nang may iba pang makaalam.'
BINABASA MO ANG
What Happened Last Night
Short StoryWhat if I tell you "pangit ka" at sang-ayunan ako ng lahat, kahit ang totoo ay hindi ka naman talaga pangit? Ie-embrace mo ba ang title na "pangit ka" para lang sa ikatatahimik ng lahat? O habang buhay mong ipaglalaban na mali ako at mali ang iniisi...