Part 4

1 1 0
                                    

'Happy birthday baby Nico!' Sumali ako sa Group FaceTime nila Nico, Trice, at Zarah. Si Nico nandoon sa Shangri-La Hotel kasama niya 'yung family niya, si Trice nasa bahay lang daw, ako nasa work pero break time ko, si Zarah nasa bahay lang din daw.

''Sa wakas, nag-join din ang kupal. Kanina ka pa tinatawagan bakit hindi ka sumasagot?' Tanong ni Zarah.

'Kaka-break time ko pa lang naka-silent phone ko sa locker ngayon ko lang ulit nahawakan.' Sagot ko naman. 'Hoy baby Nico, patingin naman diyan sa hotel, maganda ba diyan?'

Nakita kong bumangon si Nico mula sa kamang hinihigaan niya. 'Sobra! Parang kulang na lang sambahin na kami ng family ko ng mga hotel crew dito. Sobrang luxurious.'

'Malamang, Shangri-La Hotel ba naman eh, one of the most luxurious hotels in the country.' Sabi naman ni Zarah.

'So bakit? Anong hanash? Bakit tayo nagvi-video call?' Tanong ko.

'Wala lang. Gusto ko lang kausap ko kayo habang sinasalubong birthday ko. Mamayang midnight isu-surprise nila ako ng cake at pakain.' Sabi ni Nico.

'Bakit mo alam? Surprise nga eh!' Nagtawanan kami sa sinabi ni Trice.

'Narinig ko kasi kanina sa usapan ng mga kapatid ko eh, akala nila hindi sila rinig habang nasa CR ako. Bulong-bulongan pa sila eh rinig ko naman.'

'Ang corny, eh di hindi na surprise.'

'Oo nga.' Sabi ko naman.

'Baby, sabi ni mommy gusto mo ba daw humabol? Kayo daw Zarah or Drake, sayang naman daw kasi, sobrang daming handa tapos iilan lang kami.'

'Bakit iilan lang ba kayo?' Tanong ni Trice.

'Ako, si mama, si papa, 'yung dalawang kapatid ko tsaka tatlo naming kasambahay. Kami-kaming mga nasa bahay lang. Hindi nagsisama mga cousins ko eh, mga busy din kasi sa trabaho.'

'Sayang. Kaya lang nakakahiya kasi, pupunta ako tapos ako lang hindi kamag-anak.' Sabi ni Trice.

'Ako nasa work ako eh.' Sabi ko naman.

'Pupunta lang ako kung at least isa kay Drake or Trice ang susunod.' Sabi naman ni Zarah na yakap-yakap pa 'yung regalo ko sa kanya dati na 3-foot tall na Patrick Star stuffed toy.

'Hayaan niyo na, naka-celebrate naman na tayo sa Magic Theatre eh. Ang saya kaya 'non.'

I spent the rest of my break time having a video call with them pero hindi ko na inabutan yung pag-surprise kay Nico dahil tapos na ang break time ko.

~~~

Busy ako sa paglilinis ng kwarto ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si daddy na nakatingin sa akin, nanglilisik ang mga mata, sarado ang magkabilang kamao, at halatang galit na galit. Sumulpot sa likod niya si mommy na umiiyak at nag-alalang nakatingin sa akin.

'Drake!' Isang nakakabinging sigaw ang narinig ko nang bumukas ang labi ni daddy. 'Umamin ka!' Lumapit siya sa akin at hinablot ang kwelyo ng damit ko. Nabitawan ko ang hawak kong walis nang hilahin niya ako. 'Bakla ka ba Drake?!'

'D-Dad--'

'Sagutin mo ang tanong ko!' Nanginginig si daddy nang isigaw niya ang mga katagang 'yon. Nagtitigan kami panandalian at bigla niya akong binitawan, tsaka pa lang ako nakaramdam ng sakit sa dibdib ko dahil sa lakas ng paghablot niya sa akin. 'Putangina sagutin mo ako! Bakla ka ba?!'

What Happened Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon