Author's Note

5 1 0
                                    

Sa dinami-dami ng mga kwentong sinulat ko, karamihan hindi tapos. Dahil sa dami ng mga naiisip kong ideas at concept, madalas natatabunan na 'yung mga ibang sinimulan ko. Nabuo ko ang concept ng story na 'to isang gabi habang nakikinig ako ng music at nakatitig sa kabilugan ng buwan. Hindi ko inakalang mabibigyan ko 'tong story na 'to ng isang buo at kumpletong details dahil "this is dumb" ang sinasabi ko sa isip ko habang sinusulat sa Notes sa phone ko 'yung concept ng story. Hindi ko sana ito pagtutuunan ng pansin pero naisip ko, ano kaya kung lagyan ko 'to ng back story na may malalim na kahulugan? At doon ko sinimulan ang pagbuo sa short story na 'to, ang pagbuo ng buong kwento ng nakaraan ni Drake na naging dahilan kung bakit siya ganon nang makilala natin siya sa simula ng story. Ginawa kong present and past ang takbo ng story dahil gusto kong mas maintindihan ng kung sino man ang nagbabasa kung paano naging factor ng main story 'yung specific part ng back story. Naging salitan ang present and past hanggang sa mabuo ang buong kwento mula sa pagkabata ni Drake hanggang sa kung ano o sino na siya ngayon.

What Happened Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon