Nagising ako dahil sa distant sound na naririnig ko. I think it's my phone's alarm, pero wala sa kwarto ko 'yung cellphone ko. Nasaan? Ano ba 'tong mabigat na to?! I opened my eyes and found myself lying in my bed, arms around Zarah. Nakatulog siyang nasa ibabaw ko at nakatulog din akong nakayakap sa kanya?! Ang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung paano ako papasok tonight nang ganito ako, tapos... ito! 'Ugh, fuck.' 'Yon na lang ang nasambit ko dahil sa sitwasyon ko ngayon. I've done it again, at hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon o nasikmurang gawin 'yon sa isang babae! I almost tossed her away from my body and I quickly got up, grabbed my clothes and ran to the bathroom to take a shower. Pinangdidirian ko ang sarili ko sa nagawa ko, at ang mas nakapagpalala pa ay kay Zarah ko pa ginawa! Sa best friend ko!
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako at habang patapos na ako ay biglang nagising si Zarah at agad siyang nabuhayan ng diwa nang ma-realise niyang wala siyang suot na damit at tanging comforter ko lang ang tumatakip sa katawan niya. Nang mapatingin siya sa akin ay natigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko at hindi ko alam kung anong sasabihin o kung paano magsisimula.
'Bitch, what happened? Why am I naked?'
'Um... a-ano... kasi--'
'What happened...' Natulala siya nang ilang segundo at biglang napahinga nang malalim at binaon ang mukha niya sa mga palad niya. 'Oh sh-- Did we have sex?!' Hindi ako nakasagot. 'Drake, did we have sex?!'
'Y-Yes Zarah.' Napatungo at handa nang ipaliwanag ang nangyari kanina pero bigla siyang tumayo, nakatakip pa rin ang comforter ko sa katawan niya habang pinupulot niya isa-isa ang kanyang sleeveless shirt, pants, sweater, her undershorts and her underwear.
'Get out.'
'Pero--'
'Get out!' Lumabas ako nang walang sabi, hindi ko alam gagawin ko, hindi ko alam sasabihin ko! Ngayon ko na lang siya ulit nakitang galit sa ilang taon ng pagkakaibigan namin. And I think... ngayon na lang niya ako ulit tinawag sa pangalan ko imbes na sa tawagan naming "bitch".
Bumukas ang pinto at nilagpasan niya lang ako na parang wala ako sa harapan ng pinto. Dinampot niya 'yung cellphone at bag niya sa sofa at sinuot 'yung sandals niya.
'Bitch... Let me ex--'
'Not a word, Drake!' Pagkasuot niya ng sandals niya ay tumayo siya at dumiretso sa main door. Pagbukas niya ng pinto ay hindi ko na siya nagawa pang pigilang lumabas at umalis.
Napasandal ako sa makapal na windowpane ng bintanang nakaharap sa city lights at binaon ko ang mukha ko sa mga palad ko. 'What have I done?' Pabuntong-hininga kong tanong sa sarili ko. Ano nang mangyayari nito? Hindi na ba ako kakausapin ni Zarah? Ano ba kasing nangyayari sa akin? Bakit all of a sudden, I've started getting horny with... a girl?! Nang mag-alarm muli ang cellphone ko ay pinilit kong i-clear ang isip ko at mag-focus muna sa pagpasok ko sa trabaho.
----------
'Mister Gemera, bakit parang ang hina mo ngayon?' Tanong ni Boss Jaime.
'Sorry sir, I had trouble sleeping today sir eh.'
'That's not a valid reason Mister Gemera.'
'I promise hindi na 'to mauulit sir. I will properly manage my responsibilities as an employee and...'
'And what Mister Gemera?'
'... my responsibilities at home.'
'Siguraduhin mo lang. Don't forget that you're your team's best employee since you got here. I expect a lot from you.' Tumango ako. 'Back to work.' Tumango ako at bumalik sa station ko at pinagpatuloy ang trabaho kong makakalap ng kita mula sa mga iresponsableng Amerikanong hindi inaayos ang billing statement na nilalagay nila sa Spotify Premium subscription nila. Pinilit kong mag-focus sa trabaho ko kahit ang nasa isip ko pa rin ay ang nangyari sa amin ni Zarah. Hanggang sa nag-break time na lang ay hirap pa rin akong makabawi. Hindi ako sumabay ng kain kay Alexa o kahit na sino sa mga ka-team ko. Pumunta lang ako sa comfort room, umupo sa toilet seat at 'yon pa rin ang iniisip.
BINABASA MO ANG
What Happened Last Night
Short StoryWhat if I tell you "pangit ka" at sang-ayunan ako ng lahat, kahit ang totoo ay hindi ka naman talaga pangit? Ie-embrace mo ba ang title na "pangit ka" para lang sa ikatatahimik ng lahat? O habang buhay mong ipaglalaban na mali ako at mali ang iniisi...