Part 6

1 1 0
                                    

~~~

First thing in the morning, nag-impake na agad ako ng mga gamit ko. I put all my clothes in my two LV mallets, and a third mallet for my important stuff. Hindi alam ni daddy na tutulungan ako ni mommy para may matirahan pa rin ako. Ngayong araw mismo, kukuha na agad siya ng isang condo unit sa Taguig, pero habang wala pa 'yung condo na 'yon ay sa isang mumurahing motel sa QC muna ako mags-stay. Binigyan ako ni mommy ng perang pambayad sa motel at pangkain ko na good for at least one week.

'Anak, kaya mo ba mag-isa? Hindi pwedeng magising ang daddy mo na wala ako dito sa bahay, sa akin lang nagtitiwala 'yon pagdating sa pagkaing kakainin niya.'

'Siguro magb-book na lang ako ng Grab mommy.'

'Sige anak--'

'Ihahatid kita.' Napatingin kami pareho kay kuya na kakalabas lang ng kwarto niya at bagong gising. 'Ihahatid na kita.'

'Are you sure? I mean... are you... serious?' Hindi ko alam kung maniniwala ba ako dahil mamaya isa na naman 'to sa mga pangbu-bully na ginagawa niya sa akin.

'Seryoso ako tanga. Kukunin ko lang 'yung susi ng kotse.' Bumalik siya sa kwarto niya at nagtinginan kami ni mommy dahil pareho naming alam na hindi usual kay kuya ang maging mabait sa akin. Lumabas si kuya na pinalitan na ng sweat pants ang kaninang boxers na suot niya at may dala siyang susi at cellphone. 'Ituro mo sa akin 'yung daan.' Nilagpasan niya ako at nagtinginan naman kaming dalawa ni mommy.

'If ever... mapagdiskitahan ka na naman niya, call me immediately okay? Pupuntahan kita agad-agad, kahit saan ka pa.' Tumango ako at kinuha ko na 'yung mga mallets at sumunod kay kuya. Sinakay ko sa compartment 'yung tatlong mallet tapos sumakay ako sa shotgun seat, paglabas ng sasakyan sa gate ay pinagmasdan ko 'yung napakalaki naming bahay.

'I'm never fucking coming back to this fucking place, ever.' Sabi ko at nang tumingjn ako kay kuya ay hindi niya pinansin ang sinabi ko. He shifted the gear and stepped on the gas pedal, then the car moved.

Walang nagsalita sa amin ni kuya, tanging 'yung cellphone ko lang na nakalagay sa holder sa gitna na nagsasabi kung saan liliko si kuya. Sa kalagitnaan pa ng pag-guide sa amin ng Waze ay nag-text si mommy, sinabi niya lang na naka-reserve na ako doon sa motel, sasabihin ko na lang ang details ko.

Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano ako mamumuhay nang ganito. Mag-isa, asa lang kay mommy dahil wala pa akong trabaho, ni hindi nga ako pinatapos ni daddy sa kurso kong Civil Engineering dahil nga daw hindi niya ako kinokonsiderang anak. Buti pa si kuya, kahit ganyan siya na siraulo at puro kagaguhan lang ang alam, mahal na mahal siya ni daddy. Total opposite kasi kaming magkapatid. Siya lalaking-lalaki, ako mahina, babakla-bakla. Si kuya sobrang talino to the point na kaya niyang mag-solve ng Differential Equations mentally, samantalang ako todo aral na hirap pa ring makaintindi. Kuha ni kuya ang kagalingan at katapangan ni daddy, ako naman nakuha ang pagiging duwag at hindi katalinuhan ni mommy, pero madiskarte sa lahat ng sitwasyon.

Nakarating kami sa isang motel sa QC, malapit-lapit na lang 'to sa sinasabing condo na kukunin ni mommy para sa akin. Paghinto ng sasakyan sa driveway ay bumaba agad ako at nang bumukas ang compartment ay isa-isa kong binaba 'yung mga mallet at si kuya naman nakasandal lang sa pintuan habang naninigarilyo at pinapanood ako. Nang matapos ako ay napatingin ako kay kuya.

'Thank you, kuya.'

'Are you really not going back?'

'Never. Kahit anino ko hinding-hindi na makikita ng bahay na 'yon at ng tatay mo.' Sagot ko.

What Happened Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon