Chapter 2

13 1 0
                                    

Dahil magkaklase naman kami ni Adam, nasabihan ko siya agad na hindi ako pwede mamaya. Sabi niya okay lang daw at next time na lang pero na-guilty pa rin ako. 'Di bale, babawi na lang ako bukas!


Pupunta na sana ako ng meeting nang mapatigil ako. Hindi ko alam kung saan. Sinubukan kong puntahan si Craise sa classroom niya kahit labag sa kalooban ko, pero hindi ko siya nakita roon.


Stupid. Magpapa-meeting tapos hindi naman sasabihin kung saan. Umirap na lang ako sa kawalan at dumiretso sa SC office.


Pagpasok ko ay si Kuya Alex at Ate Aileen lang ang nasa loob, may ine-edit na papel.


"Ayan na si mataray!" Natatawang sabi ni Kuya Alex, iyong President namin ngayong term.


"Hindi kaya!" I told them and they laughed.


"Kuya, alam mo ba kung asan sila Craise?" I asked him. Baka kasi nakita nila or what.


"Nakita namin kanina, kasama 'yong ibang newly elected officers. Ba't nandito ka pa?" He asked.


"The stupid guy did not say where the meeting will be held on," inis kong sabi. I rolled my eyes for the nth time.


Hindi ko alam pero maisip ko pa lang siya, naiinis na ako!


"Hoy, grabe ka sa gwapo niyong president!" natatawang sabi ni Ate Aileen.


I gave her a disgusted look.


"What? He's attractive kaya! Halos lahat ata may crush doon," she said. Yuck! Wala pa lang taste ang mga tao rito!


Yeah, I know. Gwapo siya, pero ayaw ko sa kanya.


"Chat mo kaya para alam mo kung saan meeting niyo," Kuya Alex said.


"We're not friends," I casually said.


Binuksan ko ang Facebook app ko at may bumungad agad sa aking notification.


Craise Kieran Mirano sent you a friend request.


In-accept ko agad iyon para matanong na kung saan ang meeting namin, pero parang naintriga ako bigla sa profile niya.


Pasimple 'kong tinignan sila Ate na busy na ngayon sa papel. Lumipat ako sa kabilang couch, iyong malayo sa kanila at tinignan ang profile ni Craise.


Pinindot ko ang profile picture niya na may 1251 reacts. Wow.


Sa picture niya, nasa beach siya. He's wearing a navy blue button down polo shirt with three buttons open, slightly revealing his muscular chest and a khaki shorts. Nakapamulsa ang isang kamay niya at hinahangin nang bahagya ang buhok niya habang seryosong nakatingin sa gilid.

Hold Me Closer (Student Council Series 1)Where stories live. Discover now