Chapter 5

12 1 0
                                    

"Reese, tapos na revision niyo sa paper?" Tanong sa akin ni Jia.


Umiling lang ako bilang sagot at pinagpatuloy ang revision na ginagawa sa thesis namin. Sandali pa siyang sumilip bago bumalik sa ginagawa niya.


Lunes ngayon at dahil tapos na rin naman ang lessons, binigay ng teachers ang oras para matapos namin ang aming research. Good thing, one of my classmates suggested that idea.


Halos lahat kami ngayon ay nakabukas ang laptop at tinatapos ang revision dahil pasahan na bukas. Hindi nga ako makapaniwala, dahil parang maling klase ata ang napasukan ko. Paano ba naman kasi, pati ang makukulit naming kaklase ay sobrang seryoso ngayon.


'Yung mga kagrupo ko namang tamad, inaway ko talaga at tinakot na tatanggalin kaya ngayon todo ang pagtulong na ginagawa. Tsk.


Kaunti na lang talaga, tapos na 'to. Finals na lang tapos clearance tapos bakasyon na!


Nag-inat ako at napatingin kay Adam nang umupo siya sa tabi ko, dala ang laptop niya.


"O, bakit ka nandito?" Nabiglang tanong ko.


"Wala lang. Ang lamig sa harap, e," sambit niya bago nagtipa roon sa laptop niya.


Napasinghap ako nang maalalang hindi ko pa nga pala nababalik ang jacket ni Craise. Nakalimutan ko kasing dalhin kahapon. Kanina naman—ibabalik ko na sana, kaso hindi ko siya nakita.


I opened my phone to send him a message.


Neelana Reeseth Erquiza: Craise.


Iyon na lang muna ang chinat ko dahil active three hours ago siya. Papatayin ko na sana iyon nang bigla na naman akong kinabahan dahil bigla siyang nag-online at nag-seen.


Mabilis kong pinatay ang cellphone ko at nilapag sa desk. I let out a sigh to calm myself.


Pumikit pa ako bago unti-unting sinilip kung may message na ba siya. Nang makitang meron na, binuksan ko na iyon para basahin.


Craise Kieran Mirano: Yes? :)


Bakit may pa-smiley? Mas lalo akong nakakaramdam nang kung ano-ano, e!


I bit the inside of my cheeks to stop myself from smiling. Nginitan ko sandali si Adam nang mapatingin siya sa gawi ko at medyo nilayo ang cellphone. Si Jia naman ay busy sa ginagawa niya kaya walang chismosa.


Neelana Reeseth Erquiza: When can I return your jacket?


Hindi ko na iyon pinatay at hinintay na lang ang reply niya. Online na rin naman siya, e.


Craise Kieran Mirano: Could you please return it now? Nilalamig na ako rito sa pwesto ko hehe


Hold Me Closer (Student Council Series 1)Where stories live. Discover now