Chapter 1

12 1 0
                                    

[Neelana Reeseth Erquiza!] I heard the speaker announcing my name.


Lumapit sa akin ang mga kamiyembro ko at agad akong binati sa pagkapanalo ko sa posisyong aking tinakbo.


Napatingin ako sa kabilang banda ng silid at nakita ang kalaban kong niyakap ng kabilang party. Kinagat ko ang labi ko nang makitang unti-unti siyang umiyak sa mga kasama niya.


Iiwas na sana ako ng tingin nang magkatinginan kami ng President nila. He was just blankly staring at me. I wasn't able to read his emotions.


[Craise Kieran Mirano!] The speaker announced.


Agad 'kong pinutol ang titigan namin at ibinaling ang tingin kay Adam na agad nilapitan ng members namin.


Hindi ako nakalapit, pilit na pinoproseso sa utak na hindi nanalo ang President namin.


I blinked repeatedly and still couldn't process everything.


[Congratulations to all the winners and good luck in your journey as the newly elected members of the Student Council! Good day, everyone!]


Tinignan ko ang mga kapartido kong nag-iiyakan na ngayon at nagyayakapan. Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin habang pinipigilang umiyak.


Both parties were gathered here today, in the same room, while the school is announcing the winners for this election.


I won as the Vice-President, but I could almost hear my heart breaking.


Hindi ko magawang ngumiti kahit nanalo, dahil hindi ko tanggap ang naging resulta.


Alam kong lahat kami sa grupo ay deserving manalo, pero ganoon talaga siguro. Hindi lahat nang hiling natin ay nangyayari.


Lagi namang ganito. Ilang beses na akong tumakbo at sa tuwing sinasabi kung sino ang panalo ay ganito ang nangyayari. May masaya dahil nanalo sa laban at may umiiyak dahil hindi narinig ang pangalan.


Tinignan ko ang kabilang grupo at sila rin ay nag-iiyakan na. Their President was hugging and comforting them one-by-one.


I sighed and went nearer to my party.


"Congrats!" Adam said, trying to hide his tears. Siya na lang dapat ang nanalong President.


I suddenly remembered all of the hardships we went through for this election.


"Congrats, Ate!" They still cheered me.


Sinubukan kong ngumiti, pero luha ang lumabas. Kinagat ko ang labi ko nang may nakatakas na hikbi roon.


"I love you, all," I said before hugging them. Nakita kong tumalikod si Adam sa amin at lumayo nang kaunti.


Hold Me Closer (Student Council Series 1)Where stories live. Discover now