Chapter 12

7 1 0
                                    

"Sino na escort mo?" Jia asked me, while we were video calling each other. Tinawagan niya 'ko nang makarating na sa kanya ang invitation para sa debut ko.


Nakalagay na kasi ang eighteen roses at shots ko roon pero ang escort ay wala. Hindi pa kasi talaga ako sigurado. Mom was already forcing me to ask Craise but I told her to let me decide.


"Wala pa." 


Hindi ko pa kasi naaaya si Craise. Patapos na ang buwan ng Abril sa Martes at ilang linggo na lang ay kaarawan ko na. I haven't asked him that yet. Hindi ko nga alam kung alam ba niya ang birthday ko. 


"How about Craise?" She creased her forehead.


"We'll meet later. I'd ask him personally," I answered her while combing my hair.


"Ayan, ah! Iyong amin, pinadala mo lang, tapos kay Craise... ikaw pa ang magbibigay! Hay nako talaga!" Pagrereklamo ni Jia.


"Hayaan mo na akong lumandi!" Pabiro ko siyang inirapan bago tumawa.


"Saan ka natutong humarot, ha?!" She accused me before saying, "balitaan mo ako!" 


"Yeah... but, I don't know how to tell him that. Nahihiya ako," I sighed before wearing my earrings.


"Neelana Reeseth, bakit ka mahihiya sa kanya? Baka nga mag-volunteer pa 'yon. Hulog na hulog kaya siya sa 'yo! Alam na nga ata ng buong Cleono at Castrad!" She laughed.


Kagaya ko ay nag-aayos din siya ngayon. Tinatanong ko kanina kung saan siya pupunta at kanino makikipagkita, pero ayaw naman niyang sabihin! Hinayaan ko na lang siya—sasabihin niya naman iyon kapag handa na siya.


"Alam ng buong Cleono at Castrad?!" Gulat 'kong tanong at napatingin sa screen ng laptop ko para harapin si Jia.


"Paanong hindi, e, lagi kang nasa stories niya! Kaunti na lang talaga, iisipin ko nang account mo 'yon!" She teased me.


Ngumuso ako para itago ang ngiti, ngunit hindi rin nagtagumpay iyon. May nakatakas pa ring ngiti mula sa labi ko. Kapag umaalis kasi kami ay lagi akong pini-picture-an ni Craise. Minsan nga ay nagugulat na lang ako sa posts niya dahil may ganoong kuha pala ako!


"Kinikilig!" Pang-aasar niya pa lalo kaya agad kong pinatay ang tawag! Mapang-asar talaga!


"Ate Reese! Kuya is downstairs na, hurry up!" Nico shouted while knocking at my door. 


Nagmamadali 'kong kinuha ang mga gamit ko at nilagay sa itim kong sling bag. Sandali 'kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. 


I just wore a plain black halter top, tucked in my denim skirt and a pair of cream-colored sneakers. Nang makuntento sa ayos ay bumaba na rin ako agad para makita si Craise.


"Hey," he greeted me as soon as I got down. I smiled at him.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hold Me Closer (Student Council Series 1)Where stories live. Discover now