Dahil hindi makapaniwala sa nangyayari ay nagtagal ako sa restroom.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin doon. Ni hindi ko nga alam na magkakilala at magkaibigan pala ang mga magulang namin. Hindi ko naman sila nakikita dati.
Huminga ako nang malalim bago bumalik doon sa private room. Nakaupo na silang lahat doon at nakahanda na rin ang mga pagkain. Akala mo naman may fiesta!
Umupo ako sa kaninang inuupuan ko. Kung kanina ay wala akong katapat, ngayon ay nandoon na si Craise.
I did not look at him, even though I could feel his eyes—watching my every movement.
'Wag mo akong tignan! Gusto ko sanang sabihin kaso baka masabihan naman akong attitude nila Mommy.
Gusto ko sana siyang i-chat na lang sa Messenger kaso may pagkain na rin sa harapan namin. In the end, I had no choice but to avoid his intense stares.
We were already eating, when they decided to include us in their conversation. Kanina kasi puro business ang pinag-uusapan nila.
"Craise," My dad called. "How old are you again, hijo?"
"Eighteen po, Tito."
Tinignan ko siya at napansin ang buhok niyang nakaayos ngayon. Sinuri ko ang suot niyang gray button down shirt na naka-tuck in sa itim niyang slacks. The three buttons were open, revealing his muscular chest a little. Napatitig ako roon.
Bakit pakiramdam ko maganda ang pangangatawan niya? Gosh, I hate my mind!
Lumunok ako bago ibinalik ang tingin sa mukha niya. Halos mapatalon pa ako nang mahuli siyang nakatingin sa akin. Agad 'kong binaling ang tingin kay Nico na busy sa pagkain niya. I feel like I was caught in an act!
"Graduating?" My mom asked.
"Hindi pa po, Tita. Incoming grade twelve," he answered politely. Tumingin siya sandali kay Mommy bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Oh, pareho pala kayo ni Reese!" Tuwang-tuwang sabi ni Mommy.
"Really?" Parang na-excite rin si Tita Catherine.
"Where do you study, Reese?" Tito Liam asked me.
Tumingin ako sandali kay Craise na nakatitig pa rin sa akin. He was trying to stifle a smile.
Ano ba naman 'yan? Ako lang ba titignan nito buong gabi? Nakakailang kaya!
"Sa Cleono Academy po," I honestly answered.
"Oh my gosh! Totoo ba? Doon din nag-aaral si Craise!" Masiglang sabi ng Mommy niya.
Opo, Tita. Ang sarap nga po sapakin kapag may topak, e.
"Wait. So, magkakilala na ba kayo, kahit dati pa?" My mom asked.
"Yes po," Craised answered for us.
"Classmates ba kayo?" Tanong naman ni Tito.
Pakiramdam ko ay nasa interview ako ngayon, my goodness!
Kung wala lang talaga atensiyon nila sa aming dalawa, kanina ko pa hinawakan dibdib ko para pakalmahin 'yong puso kong nagwawala sa loob!
Grabe kasi makatingin, e! Akala mo naman hindi niya na ako makikita sa Monday.
"We're not classmates, Dad," Craise answered again.
"Are you close?" My dad asked.
YOU ARE READING
Hold Me Closer (Student Council Series 1)
RomanceReese, the Vice-President of the student council always had a peaceful but boring life, until she found herself in a family dinner and being set up by her parents with an attractive young guy named Craise that turned out to be the President of the s...