Chapter 3

13 1 0
                                    

It's been a week since they announced the winners for the election. Kagaya nga nang sabi nila Kuya Alex, sumasama na kami sa kanila para sa duties.


Unti-unti na rin nagiging close 'yung council namin kaya hindi na ganoon ka-awkward. Hindi nga lang araw-araw ang meeting ngayon dahil busy na kaming mga Senior High para sa finals next week.


"Good morning po," I kissed Mom and Dad on their cheeks before occupying my spot on the table.


Kinurot ko ang pisngi ni Nico sa tabi ko pero agad ding tumigil nang magreklamo siya. I helped my seven year old brother when he had a difficult time getting the pancakes near me.


"I am a big boy na, Ate!" He told me.


"My baby big boy!" Hinalikan ko siya sa pisngi bago kumuha ng pagkain ko.


"Anak, uwi ka agad mamaya, ah! May family dinner tayo," excited na sabi ni Mommy.


Inalala ko kung may meeting kami mamaya. Hindi ako sigurado pero kung meron, pwede naman siguro akong magpaalam kay Craise na hindi ako makakasama.


"Okay po. Papaalam ako sa President namin," I told them.


"President? Siya ba iyong crush mo?" Mom teased me.


Marami ako kilalang President. Iyong sinabi ko kay Mommy dati, President sana kaso natalo ni Craise. Iyon 'yong crush ko!


"Wala na po akong crush, Ma!" Pagtanggi ko.


Crush ko kasi si Adam kaso hindi naman ganoon ka-seryoso. Gwapo niya lang kasi talaga saka sobrang responsable!


"Really?" Mom beamed.


"Uh, yeah," sabi ko na lang para hindi niya na ako kulitin kasi ramdam ko na agad 'yung nanliliit na mata ni Daddy sa akin.


Grabe! Crush lang naman, e! Hindi naman ako liligawan!


Ayaw talaga ni Dad iyong idea na may boyfriend ako kasi ang bata ko pa raw, e, eighteen na kaya ako sa May. 


Nang matapos akong kumain ay nag-toothbrush na 'ko at nagpahatid na sa school.


"Thank you po, Kuya Boyet!" Sabi ko sa kanya bago isinara ang pintuan sa backseat.


Pumasok na ako at dumiretso sa building ng SHS.


Nakita ko si Craise na naglalakad sa harapan ko. He didn't notice me since he's walking in front of me.


"Neelana Reeseth!" Agad akong napalingon nang may tumawag sa akin.


"Uy!" Sabi ko kay Adam. Huminto ako para hintayin siya at sabay kaming umakyat sa classroom. I smiled. Crush ko 'yan, e!

Hold Me Closer (Student Council Series 1)Where stories live. Discover now