Friday when I woke up so early. Kailangan kasi ay maaga kami sa event, dahil kami ang organizer. Tanghali nang magsimula na akong maghanda para sa okasyon. Hindi ko minadali ang pag-aayos dahil marami naman akong oras ngayon.
Because the chosen theme for the event was retro, the school encouraged us to dress according to our theme. Hindi naman formal ang event at puro sayawan ang magaganap mamaya kaya nagsuot ako nang kumportableng damit.
I decided to wear a black long sleeve turtle neck top underneath my pastel yellow plaid dress and a pair of Gothic platform boots. I also applied a little amount of make up before wearing my hoop earrings. Kinulot ko na rin ang ibabang parte ng buhok ko para medyo maiba naman ang ayos ko. Huling araw na rin naman.
Nilagay ko ang mga kailangang gamit sa puti kong sling bag bago nagpaalam kila Mommy at nagpahatid kay kuya Boyet.
"Anong oras po kayo makakauwi, Ma'am Reese?" Kuya looked at me through the rear view mirror.
"I don't know pa, Kuya. Text na lang po kita kapag magpapasundo na ako," I told him, and he just nodded.
"Ingat po!" Sambit ko bago sinarado ang pintuan ng sasakyan namin.
Pagkapasok ko pa lang sa gate ay rinig ko na agad ang nakakaaliw na musika. Tine-testing siguro nila ang sound system. Pagkarating ko naman sa grounds ay may mga makukulay na ilaw na rin silang binuksan kahit papalubog pa lang ang araw.
Agad akong pumunta sa headquarters namin at nakitang kumpleto na pala sila. Nahiya tuloy ako kahit hindi naman ako late.
Pinasadahan ko si Jia na nag-ayos din ngayon. She was wearing an over sized shirt tucked in her plaid pants and a pair of clean white sneakers. She also wore a designer belt. Ang hanggang balikat niyang kulot na buhok ay nakabagsak ngayon. She really looked pretty!
"Ganda mo naman po," I teased her, and she just rolled her eyes.
Akala ko ay may aayusin pa kaming kaunti sa decorations pero natapos na pala iyon ng mga lalaking officers kanina. Nagpresenta na raw silang gumawa niyon dahil baka pagpawisan pa daw kaming mga babae. Pumayag naman si Ate Aileen doon.
Na-curious ako sa ayos ni Craise ngayon pero pinigilan ko ang sarili. I know, I shouldn't. We're not even okay.
"Alam mo, magugulat ka mamaya," Jia told me, while she was retouching her lip gloss.
"Bakit naman?"
"Secret," dumila siya para asarin ako bago ibinalik ang make up sa pouch niya.
I groaned. "Give me some clue," I pleaded. Bigla kasi akong na-curious sa sinabi niya!
"Basta, kapag nagulat ka mamaya, 'yon na ang tinutukoy ko!" She laughed while eyeing my clothes. Hindi ko na siya kinulit pa dahil tutok na tutok na siya sa pagme-make up.
YOU ARE READING
Hold Me Closer (Student Council Series 1)
RomansaReese, the Vice-President of the student council always had a peaceful but boring life, until she found herself in a family dinner and being set up by her parents with an attractive young guy named Craise that turned out to be the President of the s...