Nagtutuloy-tuloy ang meeting namin, pero hindi ako pinapansin ni Craise. Tumigil na rin ang pagtawag niya sa akin tuwing gabi. It felt like we were back from being strangers...
Katabi ko ngayon si Jia habang nakikinig kami sa report ni Kuya Alex at Ate Aileen sa harap. Kasama na rin namin ang Moderator namin na si Miss Ordiales.
Huminga ako nang malalim at pasimpleng tinignan si Craise na seryoso lang nakikinig sa harap. Parang wala lang sa kanya na hindi kami nagpapansinan. Kulang na lang ay itrato niya na ako bilang hangin.
"Ano ba kasi nangyari sa inyo? Bakit hindi na kayo nagpapansinan?" Jia whispered. Sandali niyang tinignan si Robin na nakatingin sa amin bago ibinalik ang atensyon sa akin.
"Not now, Jia. We're in a meeting," bulong ko pabalik bago tumingin ulit kila Kuya.
Good thing, she didn't force me. Jia might be like that, but she knows when to stop herself—one of the things I love about her.
Pagkatapos nilang mag-report ay si Miss naman ang nagsalita sa harap. In-explain niya lang ang mga kailangan naming gawin at tandaan. Tapos na rin naman kami, e. Hinihintay na lang namin dumating ang Miyerkules.
May mga banda na kaming nakuha. May plano at nakabili na rin kami ng decorations para sa darating na party. We all settled with the retro theme.
"Break muna kayo," our Moderator announced. "Gentlemen, nasa canteen ang foods. Paki-akyat naman rito."
Lumabas ang mga lalaking officers kaya kaming mga babae lang ang natira.
"Isang linggo na kayong hindi nagpapansinan," malungkot na sabi ni Jia.
I just smiled faintly. Isang linggo na nga magmula nang iwanan niya ako roon mag-isa sa hallway. Sa sobrang pagkabigla ko ay umuwi na lang ako at nagkulong sa kwarto. Noong nag-dinner naman kami nang araw na iyon ay hinahanap ni Nico si Craise pero sinabi ko na lang sa kanya na baka matagalan pa ang pagbisita ni Craise. I knew, I lied—but I don't want to see my brother crying. Makakalimutan niya rin naman siguro iyong sinabi ni Craise. Si Mommy naman ay namimilit pa rin pero hindi ko na lang pinansin.
"Tatlong araw na lang at year-end party na, Reese. Tatapusin niyo ba ang school year nang hindi nagpapansinan?"
"If that's what he wants, then so be it," sagot ko at tanging pagbuntong-hininga na lang ang naisagot ni Jia sa akin.
Pagkabalik nila Craise ay nag-distribute sila ng mga pagkain sa amin. Si Robin ang namimigay ng Carbonara habang si Kuya Alex sa tinidor. Si Craise ang tagabigay ng tubig.
Just what I expected—Craise didn't say anything when he handed me the bottled water. Kung okay siguro kami ngayon ay bubuksan niya pa iyon para sa akin.
Funny that I already expected it to happen but still felt a horrible feeling inside me. Kahit pala may mga bagay na inaasahan na natin, kapag nangyari sa atin ay ganoon pa rin ang sakit. Maybe the feeling is more painful, because we knew, we expected it... but deep inside, we were hoping for something different to happen.
YOU ARE READING
Hold Me Closer (Student Council Series 1)
RomansaReese, the Vice-President of the student council always had a peaceful but boring life, until she found herself in a family dinner and being set up by her parents with an attractive young guy named Craise that turned out to be the President of the s...