"ate ateee!!!" napabalikwas ako sa pagkakahiga ko sa sofa ng marinig ko ang boses ni jackson sa pintuan.
"what?!" iritable kong sabi ko sa kaniya istorbo kasi nanonood ang tao eh. Andito kasi ako sa bahay dito muna wala namang magawa sa bahay eh, wala rin naman yung isa may board meeting.
"may maid na pala kayo" sabi niya saka umupo sa katabing sofa.
"oo si manang Estella saka si Darlene" sabi ko habang nakatingin sa tv. Tumango tango naman siya at sumandal doon.
"why are you asking?" nakakalokong tanong ko sa kaniya. He is now interested ha.
"nothing"
"anyway. Pagaaralin ko si Darlene sa UST pareho kayo na magcocollege na. Pakisamahan sa pageenroll"
"bakit ako?" agad niyang tanggi tinaasan ko siya ng kilay.
"bakit hindi ikaw?"
"ate kaya na niya yun saka baka makita ako ng girlfriend ko" napatingin ako sa kanya at sino naman ang babaeng yun.
"sino naman yun? At bakit ngayon ko lang alam?"
"sasabihin palang hahaha" kaya binatukan ko siya.
"sasamahan mo lang naman dahil baka hindi ako makapunta mabilis lang naman yun"
Hindi na siya nagreklamo pa ng samaan ko siya ng tingin ang daming reklamo eh ihampas ko sa kaniya tong remot eh.
"kamusta na pala si lola?" biglaang tanong ko dahil hindi ako nakapunta nung birthday niya.
"okay naman nakakapaglaro pa"
Tumango tango ako sa sinabi niya saka inayos ang damit ko para umuwi na.
"aalis na ako maggagabi na rin hoy! Umayos ayos kang lalaki ka!"
"oo ate!" sigaw niya saka ako lumabas ng bahay at nagdrive pauwi.
Nadatnan ko si Darlene na nagdidilig ng halaman at parang sayang saya sa nakikita niya napangiti ako nakikita ko sa kaniya ang sarili ko noon sa kaniya.
"manang wala pa po ba siya?" tanong ko kay manang nang makapasok ako sa bahay.
"wala pa zoe, gusto mo bay ipagtimpla kita ng maiinom?"
"juice nga po manang" naglakad na siya papunta sa kusina at naupo naman ako sa sofa saka niya nilapag ang juice.
"manang ako po ang gagastos sa pagaaral si Darlene gusto ko siyang makapagtapos"
"ah eh yun nga ang sinabi niya sakin eh salamat nga pala hija" ngumiti lang ako sa kaniya.
"Darlene halika dito" sabi ko sa kanya pagkapasok niya sa bahay lumapit naman siya sakin at yumuko.
"bukas ay mageenroll kana hindi ako ang kasama mo dahil may gagawin ako pero isasabay ka ng kapatid ko"
"p-po?" napaangat siya ng tingin sakin.
"isasabay ka niya para hindi ka mawala okay?"
"opo ate" tumango ako saka naglakad papunta sa taas to take a bath nagbabad ako sa tub para makapagrelax.
Sumagi sa isip ko si Ayah buntis siya kamusta na kaya siya? Its been years hindi ko pa siya nakakamusta. Gustuhin ko mang kamustahin pero parang may pumipigil sakin.
Natapos ako at lumabas ma sa banyo anong oras na at bakit wala pa yung isang yun i look at my phone at wala man lang text iyon.
Tinawagan ko siya pero ayaw niyang sumagot pupuntahan ko nalang tutal 6 palang naman saka gusto ko ring kumain sa korean restaurant. Nagbihis na ako saka lumabas ng kwarto.
"manang pupunta ako sa company kumain na lang kayo manang baka matagalan ako"
"sige hija" yun ang narinig ko bago ako lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.
"goodmorning ma'am" bati ng mga empleyado sakin pagkarating ko sa company dumeretso agad ako sa floor ng asawa ko.
"ah excuse me miss tapos na ba ang meeting?" tanong ko sa isang babaeng nakaupo sa dulo tumayo naman siya at yumuko saakin.
"opo ma'am tapos na po" ngumiti ako saka naglakad na papunta sa office nadaanan ko pa ang table ng new secretary niya.
Nakakunot ang noo ko at binasa ang pangalan. Totoo nga Angela ang pangalan mabait ba? Pumasok ako sa office at ang bumungad sakin ay ang babaeng nakaupo sa mesa sa harap ng sofa aba magaling hindi niya ako nakikita dahil nakaharap siya sa asawa ko.
Hindi naman tumitingin si Andrei sa gawi ko dahilan para hindi niya ako makita. Tumikhim ako bigla namang tumayo yung babae at tumingin naman si aAndrei sakin lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya.
"this is my new secretary Angela. Zoe she's my wife" pagpapakilala niya saaming dalawa nilahad ko naman ang kamay ko at ganun din siya pero hindi nakatakas sakin ang pagirap niya bago bumitaw at naglakad palabas.
"mukhang anghel demonyo naman" bulong kong sabi kaya napalingon si Andrei sakin.
"Kulang na lang ibukaka niya sa harapan mo ah" nakangising sabi ko sa kaniya.
"hindi naman ako tumingin eh"
"ah talaga kahit pa ipakita niya? Bakit di mo pinaalis?"
"nagugutom na ako gusto ko nang umuwi wag ka nang magselos sayo lang ako titingin kapag ganun" sabi niya kaya hinampas ko ang kamay niya.
Kinuha niya ang coat niya sa upuan niya saka ako hinila palabas ng office niya napatingin pa saamin ang seckretarya niya. Nginisian ko siya ng irapan niya ako kung maldita ka mas maldita ako.
"korean restaurant" sabi ko sa kaniya tumango naman siya at sumakay na kami sa elevator.
"sasakay ako sa kotse ko" biglaang sabi ko kaya napatingin siya sakin eh ano? Dala ko eh.
"ipahatid mo nalang sa bahay" maktol niya na parang bata buti nalang kami lang dito sa parking.
"sige baka umiyak ka eh" nangaasar kong sabi sa kaniya tinawagan niya ang isang staff doon na nagpapark ng kotse ng mga nandoon.
Sumakay ako sa kotse niya at sumunod naman siya.
"Mukhang may gusto sayo ang bago mong sekretarya ah sabog na sabog"
"anong sabog na sabog?" inosenteng tanong niya.
"sabog na sabog sa harap" nakangisi kong sabi sa kaniya.
"nababaliw ka nanaman ha!" sabi niya na ikinatawa ko tumingin ako sa harap at inisip yung kanina.
Hindi maganda ang kutob konsa kaniya.
YOU ARE READING
A Summer with Him [Book 2] (COMPLETED)
Teen Fiction"let's move on to the next chapter of our life" -Andread Azmera