Chapter 1

32 2 0
                                    

Labis ang tuwang nadarama nang ako'y kaniyang sagutin tatlong taon na ang nakalipas.

Naging masaya ang bawat araw na kami ay magkasama ni Hashlyn walang paglagyan ang saya at galak na nananahan sa puso ko.

Ngunit hindi lahat ng pagkakataon ay palaging masaya ang relasyon.

Ito'y parang isang sugal o laro na kailangan mong magtanim at bantayan upang makaani ka ng magandang bunga.

Sa susunod na linggo na pala ang aming ika-apat na anibersayo bilang magkasintahan at gusto ko siyang surpresahin.

“Mukhang masaya ka ngayon ah kuya,” nakangiting sabi ni Heidi.

Kasalukuyan kaming nasa balkonahe at nagmemeryenda. Kapatid ko si Heidi sa ina at masasabi kong napakasuwerte niya dahil buo ang pamilyang kaniyang nakamulatan.

Napabuntong hininga na lamang ako nang maaalala na naman ang ginawa ni mama kay papa. Iniwan niya kami at sumama sa ibang lalaki.

Noong una nagalit ako kay mama kung bakit niya nagawa iyon ay hindi ko alam. Nang dumating si Heidi sa buhay namin, inaamin ko na hindi ko siya kayang tanggapin bilang kapatid ko. Pero nang lumaon ay natutunan ko rin siyang tanggapin at mahalin.

Apat na taon ang agwat namin ni Heidi at hindi iyun naging dahilan upang hindi kami maging magkasundo.

“Malapit na ang anibersaryo namin ni Hashlyn at nag-iisip ako kung anong magandang iregalo sa kaniya,” ani ko na hindi inaalis ang tingin sa kaulapan.

“Alam mo kuya simple lang naman ang gusto naming mga babae, oras, pagpapahalaga, at higit sa lahat 'yung naiintindihan ninyo kami sa tuwing kami wala sa timpla,”

“Anong wala sa timpla?” Kuryos kong tanong sa kaniya na ikinapula ng kaniyang mga pisngi.

Kamukhang-kamukha siya ni mama, ako kasi hawig ko si papa at madalas kaming mapagkamalang magkasintahan kaysa kay Hashlyn.

“Eh...ano, ah! Basta! Alam mo na iyun kuya,” naiilang niyang sabi.

Ngumiti naman ako at hinaplos ang kaniyang mahaba at kulot na buhok na hanggang beywang.

“Lagi mong tatandaan na anuman ang mangyari nandito lang si kuya, mahal na mahal kita bunso.” Saad ko at hinalikan siya sa kaniyang noo.

“Pinapaiyak mo naman ako eh!”

Napatawa ako sa sinabi niya. Umiling na lamang ako at niyakap siya ng mariin.

Ang gaan at kay sarap sa pakiramdam na may kapatid kang handang intindihin ka sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa usaping pag-ibig.

Kinakabahan akong iniabot kay Hashlyn aking munting regalo.

Nasa isang mumurahing kainan kami, dahil ayokong gastuhin ang perang ibinibigay ni Tito Hector ang papa ni Heidi, sariling pera ko ang siyang ginamit ko para sa aming anibersaryo ni Hashlyn.

“May sasabihin sana ako Hiro,” kabado niyang sabi.

“Ano 'yun babe?”

“Maghiwalay na tayo, hindi na ako masaya sa relasyon natin Hiro,” aniya na ikinagulantang ko.

Naningkit ang mga ko sa kanya, kasabay ng isang putok ng baril.

“Hashlyn! Dapa!“

Ngunit huli na dahil nakita ko na lamang na bumulagta ang babaing mahal ko sa sahig sapo ang tiyan na may tama ng bala.

“H-hiro...ang anak ko Hiro“ Nanginginig niyang saad.

“Hashlyn...” Lumuluha kong sinambit ang pangalan niya.

Revenge With A SmileWhere stories live. Discover now