"Ma-ma..."
"Ang kyut talaga nitong anak mo Heidi mana sa tito daddy niya!"
"Ang hangin mo pa din kuya naku! Pumasok na nga lang tayo, amoy araw itong baby ko ah? Kuya naman eh!" Gigil na ani ni Heidi.
Napakamot naman ako sa batok at hindi sinasadyang masagi ng mga mata ko ang isang pamilyar na bulto sa hindi kalayuan.
Nanlalaki ang mga mata kong sinundan ito ng tanaw habang papasok sa kaniyang mamahaling sasakyan.
"Sophia!" Nagmadali akong tumakbo papunta sa kaniya perp nakasakay na ito at pinaharurot ng mabilis ang kaniyang sasakyan.
"Kuya!"
Namanhid ang buo kong katawan at tila naging slowmotion ang lahat kasabay ng pagbagsak ko sa semento.
"Kuya Sevier!"
Sigaw at iyak ang siyang naririnig ko ang mga kamay at binti ko'y hindi ko maigalaw.
Katapusan ko na ba?
Hindi maaari! Si Sophia...
Sophia...
Sophia...
"Sevi!"
Nanlalabo ang paningin kong hinanap ang pinagmumulan ng boses.
"Sevi! Gumising ka! Sevi!"
Tumayo ako at sinundan ang tinig na iyon na sa wari ko'y hinihila ako kung saan.
"Mabuti naman at nakauwi ka na," tinig ng isang batang lalake.
"Sino ka? At nasaan ako?" Iginala ko ang mga mata sa paligid.
Napapaligiran ng mga naggagandahang mga paru paro at mga bulaklak.
Mga nagtataasang puno at halaman na kay gandang pagmasdan.
"Saang lugar ito?"
"Nakauwi ka na. Kay tagal kitang hinintay bakit ngayon ka lang umuwi? Ni hindi mo ako dinadalaw, nalulungkot tuloy ako dito." Wika niya na hindi ko maintindihan.
"Teka, hindi kita maintindihan? Sino ka at anong sinasabi mo?"
Tinitigan ako ng batang lalake, at nagulat ako nang mapagsino ito.
"Naaalala mo na ba,"
Naluluha akong lumuhod sa harap niya.
"Kuya Sumiel..."
"Kumusta ka na Sevier,"
"Patawarin mo ako kuya kung nakalimutan kita,"
"Matagal na kitang napatawad, gusto kong maging masaya ka, maraming malulungkot kapag nawala ka, hayaan mo magsasama din tayo sa takdang panahon. Pero sa ngayon kailangan mong bumalik dahil may naghihintay sa iyo,"
"Nangungulila ako sa iyo kuya... Paano kita iiwan dito, wala kang kasama? Alam kong malungkot ang mag-isa, puwede bang dito lang ako Kuya Sumiel."
Umiling siya sa akin at ginulo ang buhok ko katulad ng dati niyang ginagawa.
Si Kuya Sumiel ay ang namatay kong kakambal dahil sa pagsagip niya sa akin.
Ako dapat ang mababangga at hindi siya, ako dapat ang nasa kabaon at hindi siya, at ako dapat ang narito da lugar na ito kung hindi lamang niya ako iniligtas noon.
"Hindi mo pa oras Sevier, sige na bumalik ka na... Hihintayin ko ang muli nating pagkikita kapatid ko, mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita kuya,
Nasilaw ako sa liwanag na tumatama sa mga mata ko.
At nang sandaling iminulat ko ang mga ito'y...
Ang kaniyang mukha ang siyang nasilayan ko.
Hilam sa luha at namumula ang ilong sa kaiiyak.
"Sevi,"
Tila musika ang kaniyang tinig na nagbigay sa akin ng kakaibang enerhiya sa katawan upang bumangon sa kinahihigahan ko.
"Huwag ka munang tumayo Sevi at baka sumakit ang iyong ulo,"
"Sophia?"
"Nandito ako baby,"
"Ikaw nga ba iyan?"
"Oo ako ito, magpahinga ka, hinding-hindi kita iiwan pangako."
Tinawid ko ang gahiblang distansya sa pagitan naming dal'wa at hinagkan siya ng mariin sa kaniyang labi.
YOU ARE READING
Revenge With A Smile
RomanceHe's a cold hearted person. She is a jolly person. He's hard to please. She is falling so fast. He only love once but suddenly get hurt by a one woman. She love him that she can accept everything even if it's hurt her too much. What what if this tw...