Chapter 12

10 1 0
                                    

Akala ko nang una madali lang makahanap ng isang tunay at wagas na pag-ibig.

Tatlong beses akong nadapa at apat na beses bumagon.

"Ang sarap mong kaltukan! Nakakainis ka!" Ani Heidi na ikinasimangot ko.

"Sino ba kasi iyang sinisilip mo diyan kuya?"

"Ate Sophia mo baka hindi ako siputin,"

Natawa naman siya na mas lalo kong ikinasimangot.

"Aba kuya! Takot ma-indian ampeg? Baka maghihingante iyon sa ginawa mo sa kaniya noon," malakas siyang tumawa pagkasabi niya ng mga iyon.

Aaminin kong kabado at may takot ako na baka nga hindi niya siputin.

"Biro lang kuya alam kong mahal na mahal ka ni Prim nandiyan na iyon sa labas, huwag mong masyado isipin at baka madapa!" Pampalubag loob niya sa akin.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga.

Nang tumugtog na ang paborito naming kanta'y nag-umpisa na rin kabahan, kaba na may halong pananabik dahil sa wakas!

Matapos ang ilang unos ito na kami handang harapin ang panibagong mga pagsubok sa darating at alam kong makakayanan namin basta kasama namin ang isa't isa.

"Sevi, hinding-hindi ako magsasawa sa iyo, hinding-hindi ako mapapagod na intindihin at unawain ka sa lahat. At kung dunating man ang panahon na magkasawaan tayo? Ipapaalaala ko sa iyo ang mga pinagdaanan nating unos kung bakit tayo narito ngayon at kung bakit patuloy pa rin tayong lumalaban. Mahal na mahal kita sa hirap at ginhawa pinapangako kong ikaw at ako ay magsasama habang nabubuhay tayo rito sa ibabaw...mahal na mahal na mahal kita Mister ko, Akihiro Sevier Fortalejo."

"Ahm, hindi ako handa, hindi ako naghanda baby ko kaya pagtyagaan mo na lamang ang mga sasabihin ko ha? Alama mo naman na mahal na mahal din kita."

Natawa ang lahat nang nasa simbahan. Maging siya at ako ay kapwa natawa.

"Sophia Primrose Escalvia, wala akong maipapangakong yaman sa iyo, ang tanging maipapangako ko lang ay ang napakaganda kong katawan at mukha na tiyak na ikinaiinggit sa iyo ng mga babae ngayon na narito sa simbahan, baby? Alam kong guwapo ako, pero mamayang gabi papakitaan pa kita. Mahal na mahal kita at pinapangako kong sasamahan kita sa hirap at sa ginhawa, mabura man ang mga alaala natin sa pagdating ng panahon na tayo'y tatanda? Pero sa puso ko'y nag-iisa lamang ang isang Sophia Primrose Escalvia sa buhay ko, mahal na mahal kita baby ko."

Naiiyak na kami pareho lalo na nang igawid sa amin ng simbahan ang bendisyon bilang isang opisyal na mag-asawa hindi lang sa papel at mata ng mga taong narito ngayon, kun'di maging sa mata ng ating panginoong Hesu Kristo.

"Sa wakas! Pagkahaba-haba man ng propesyon sa simbahan din ang tuloy!" Ani ni Heidi.

"Mahalin at alagaan mo itong pinsan ko ha Hiro?" Si Hash.

"Oo pangako,"

"Binabati ko kayo tol," si Nixon.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Sa wakas nakita ko na!" Sigaw ni Sophia sa aming lahat.

"Ha? Ang alin baby?"

"Nakita ko na ang matagal ko ng hinahanap baby, ang ngiti sa iyong mga mata ay bumalik na..." Naiiyak niyang sabi na ikinailing ko.

Niyakap ko siya at hinalikan sa kaniyang noo ng taos pusong pagmamahal.

"Dahil sa iyo mahal ko, ikaw dahilan kung bakit ako nakangingiti ng ganito kaganda at taos pusong ngiti na iniaalay lamang sa iyo ang puso at pag-ibig ko, mahal na mahal kita Sophia."

"Mahal na mahal din kita Sevi."

Revenge With A SmileWhere stories live. Discover now