Hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harap ko ang babaeng itinatangi nitong puso ko.
Malaki ang kasalanang nagawa ko sa kaniya ngunit heto siya at nasa aking tabi.
"Patawarin mo ako Sev, kung hindi mo ako hinabol sana ay hindi nangyari iyan sa 'yo." Aniya na ikinangiti ko.
"Bakit nasa labas ka ng bahay at hindi ka tumuloy? Edi sana may anak na tayo ngayon," wika ko na ikinataka niya.
"Kung tumuloy ka lang sana sa bahay, edi sana magkayakap tayo sa iisang kumot tapos ano..." Nabitin ako sa pagsasalita ng may pumasok sa silid kung ako naroroon.
"Hiro,"
"Hash..."
"Gusto sana kitang makausap ng tayo lang,"
"Maiwan ko muna kayong dalawa sa labas lang ako baby,"
Hinawaka ko ang kamay niya ng sobrang higpit.
"Mag-uusap tayo pero nais kong narito sa tabi ko ang babaeng mahal ko,"
"Sevi,"
"Dito ka lang baka sumakit ang ulo ko sige ka? Baka mapaaga kang mabyuda."
"Byuda agad? 'Di pa nga tayo kasal eh!" Maktol ni Sophia.
"Ano na nga palang pag-uusapan natin,"
"Sa tingin ko wala na, masaya na kayong dalawa eh, gusto ko lang humingi ng tawad sa iyo Hiro...patawad sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo, pero minahal kita totoong minahal kita." Paghingi niya ng tawad.
"Matagal na kitang napatawad Hash, wala na sa akin iyon ang mahalaga ngayon ay ang makasama ang babaeng mahal ko at iyon ay si Sophia Primrose Escalvia na mas maarte pa sa kapatid ko," mahaba kong turan.
"Anong maarte ka diyan kuya! Hindi kaya!" Ani ni Heidi na kapapasok lang sa silid kasama ang kaniyang anak na si Baby Scar.
"Oo na, bakit ka nandito? Bawal bata dito ah?"
"Asawa ko may-ari ng ospital na ito kuya baka nalilimutan mo,"
Kahit kailan talaga ang kapatid kong 'to parang araw-araw may regla.
"Baby pagaling ka ha? Papakasalan mo ako eh," busangot na ani ni Sophia na ikinatawa naming lahat.
Ilang araw din akong nanatili sa ospital bago ako pinayagan ng doktor na makauwi na.
Ang bilis ng panahon parang kailan lang nang magkasakitan kami ni Sophia.
At ito na kami ngayon na parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Sige na baby isa lang eh damot!" Angil ko kay Sophia.
"Ayoko nga! Akin lang ang mani ko! Manigas ka!"
Pambihira naman oh! Ang hirap ng may asawang naglilihi. Pati ako naglilihi.
Sa umaga nanghihina ako dahil pinupuyat ako ni Sopghia kahahanap sa mga pagkaing pinaglilihian niya kahit pa sa dis oras na ng gabi.
"Ang sarap baby gusto mo?"
"Hindi na sa iyo na iyan baby. Gusto mo bilhan pa kita ng red velvet na cake?"
"Ayoko, gusto ko ikaw mismo ang kakain ko sariwang hotdog na pula yum!" Saby dila sa akin.
Natutukso akong halikan siya baka mamaya hindi na kami umabot sa kuwarto at magkalat na lang kami dito sa kusina.
"Nagpipigil siya oh!" Pangkikiliti niya sa akin.
Agad ko siyang binuhat paakyat sa kuwarto namin.
Tawa siya nang tawa habang hinahalikan ko ang leeg niya.
"Mahal na mahal kita misis ko,"
"Mahal na mahal din kita mister ko."
YOU ARE READING
Revenge With A Smile
RomanceHe's a cold hearted person. She is a jolly person. He's hard to please. She is falling so fast. He only love once but suddenly get hurt by a one woman. She love him that she can accept everything even if it's hurt her too much. What what if this tw...