Chapter 3

14 2 0
                                    

"Aray!"

"Pasensya ka na binibini kasalanan ko hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko," paghingi ko ng pasensya sa babaeng nakabungguan ko.

"Ayos lang medyo nasaktan lang ako ng kaunti," nakangiti niyang ani.

"Pasensya ka na talaga nagmamadali kasi ako,"

"Ayos lang sige mauna ka ng pumasok,"

"Hindi mauna ka na,"

"Hindi ayos lang,"

Parehas kaming natawa sa aming mga tinuran kasabay ng pagtatama ng aming mga mata ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso.

"Akihiro Sevier Fortalejo nga pala," pagpapakilala ko sa kanya.

"Hashlyn Luna Castro,"

Sa pagdampi ng aming mga palad ang siyang pagtigil ng lahat.

Pawang mga estatwa at kami lamang ang nagkakaintindihan sa mga oras na ito.

Ang kaniyang mala-anghel na mukha, ngiting kahit sinong ponyo pilato'y mahuhumaling.

"Fortalejo at Castro, papasok pa ba kayo o magtititigan na lang kayo diyan?"

Nabalik kami sa kasalukuyan at kapwa nangamatis ang aming mga pisngi sa tinuran nang aming guro.

"Papasok po Ginang Mendez," sabay naming sambit.

Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan, laman ng isip ko si Hashlyn, ang kaniyang malumanay na pananalita at mahinhing kilos ang siyang nakakuha ng aking atensyon.

"Hoy! Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tingin nang tingin sa may orasan ah?" Pabulong na tanong ni Cymon sa akin.

"May dadaanan pa kasi ako p're," tugon na sa kaniya.

Ngumisi naman ito sa'kin at hindi bumenta ang palusot ko sa kaniya.

Ngumiti na lamang ako sa kaniya at umiling.

Hanggang sa dumating na nga ang oras ng aming uwian, nauna akong lumabas sa aming klasrum.

Lakad-takbo ang ginawa ko upang maabutan ang taong unang bumihag sa pihikan kong puso ko.

"Hashlyn!" Pasigaw kong tawag sa pangalan niya.

Tila nagulat naman ito sa'kin pero kalauna'y ngumiti at iwinagayway ang kaniyang kanang kamay.

"Hmm? May kailangan ka?"

"Gusto sana kitang anyayahang magmeryenda sa may gotohan kung ayos lang sa iyo," nahihiya kong sabi sa kaniya at napakamot sa aking batok.

"Oo ba! Sagot mo?" Kumikinang ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Tara," hinawakan ko ang kaniyang kaliwang kamay at hinila palabas ng kampus.

Walang pakialam sa mga matang nakamasid sa amin.

Ang puso ko'y tumatalon sa tuwa at galak, alam kong hindi na bago sa akin ito ngunit masasabi kong kaiba ito sa lahat ng naranasan ko sa ibang mga nakarelasyon ko.

Si Hashlyn, kung titignan mo siya sa una palang ay masasabi mo ng... Siya na talaga ang itatangi ng aking puso.

"Masarap 'di ba?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya habang hinihinay ang kaniyang kasagutan.

"Hmm..." Nakapikit niyang halinghing.

"Ayos lang ba ang lasa?" Pag-uulit ko pa.

"Masarap! At hindi lang masarap, sobrang linamnam pa!" Aniya na ikinatuwa ko.

"Dapat pala araw-araw kitang dinadala dito," ani ko.

"Basta ba libre eh," sabi niya na kahit alam kong biro lamang.

"Walang problema basta ikaw ang kasama ko Hashlyn," wika ko na ikinangiti niya.

Sa bawat ngiti niya'y lumulundag ang puso ko.

Sa bawat halakhak niya'y hatid sa akin ay inspirasyon.

At sa bawat araw na lumilipas ay ang pagkahulog ko sa bitag na ako mismo ang gumawa.

Revenge With A SmileWhere stories live. Discover now