Chapter 6

12 1 0
                                    

"Sa lahat ng taong puweding sumira sa akin, bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa na tinuring kong parang isang tunay na kapatid!" Sigaw ko sa kaniya at sunod-sunod na pinaulanan ng suntok sa kaniyang katawan.

Hindi naman siya lumaban at hinayaan lamang na bugbugin at tanggapin ang bawat suntok na pinapakawalan ko.

"Lumaban ka! Ano ha! Tang ina naman tol! Sa lahat ng puwede mong kataluhin bakit ako pa! Ano bang ginawa o nagawa kong kasalanan sa iyo at ginanito mo ako? Ano! Magsalita ka!" Gigil kong tanong sa kaniya at hinigit siya kaniyang kuwelyo.

Wala akong pakialam kong magmukha siyang pinitpit na kamatis sa itsura niya ngayon na puro mantsa ang puti niyang polo ngayon.

Alam kong sa ginagawa kong ito ay maaari akong pulutin sa kangkongan.

Ang pamilya nila Nixon ay isa sa pinakamayaman sa buong bayan ng San Nikolas.

King tutuusin kayang-kaya niya akong pabagsakin ngayon kung gugustuhin niya.

"Mahal ko si Luna, Sevier patawarin mo ako ang tunay na nagmamay-ari sa kaniya! Hiniram mo lang siya!" Giit niya na ikinatawa ko.

"Apat na taon ko siyang inalagaan at minahal...pero bakit sa isang iglap lang ay nasira ang pundasyon na itinayo ko? Bakit ikaw pa ang sumira nito Nix, apat na taon! Kung tutuusin mas matagal ko siyang nakasama kay sa iyo!" Galit kong saad sa kaniya.

"Oo Sevier mas matagal nga pero akp ang una niyang minahal...mas matimbang ako sa puso niya, nagmamakaawa ako sa iyo, palayain mo si Luna alang-alang sa magiging anak namin." Aniya na ikinalaglag ng kanina ko pang pinipigilan na mga luha.

"Hindi ako kasing sakim mo Nix, handa akong  magparaya makita ko lang na masaya ang babaeng mahal ko sa piling ng iba at para mabigyan ng buong pamilya ang batang kaniyang dinadala..." Lumuluha kong ani.

"Sevier..."

"Sana ito na ang huli Nix, ang huling makikita kita, dahil sa oras na makit kong umiiyak ang babaeng mahal ko, hinding-hindi ako magdadalawang isip na kunin siya mula sa iyo."

Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap namin ni Nix ay pinuntahan ko si Hash, gusto ng kasagutan, gusto kong marinig mismo mula sa kaniya ang mga bumabagabag sa isip at sa puso ko.

Inayos ko ang sarili at naglagay ng pekeng ngiti sa labi bago pumasok sa pribadong silid ni Hash.

Bumungad sa akin ang natutulog na si Hash, napakaamo talaga ng mga mata niya. Kay gandang pagmasdan at hindi nakakasawa.

Sa apat na taon ko siyang nakasama may mga bagay pa pala na hindi alam at hindi pa memoryado.

Tanging ang mga magagandang katangian lamang niya ang tumatak sa isip at puso ko.

Sa likod ng magandang mukha at ngiti ay may natatanging lihim pala na kailanman ay hindi ko inalam.

"Mahal na mahal kita Hash, ang sakit sobrang sakit na nilalamon na ako ng galit, pagkagulat, at pagkabigo...pero anong magagawa ko? Hindi ko hawak ang isip mo maging ang puso mo na inakala kong akin ay pagmamay-ari pa pala ng iba."

Masakit man pero kailangan kong tanggapin na hindi ka talaga para sa akin.

Revenge With A SmileWhere stories live. Discover now