Halos ayaw pumasok sa kukute ko ang mga sinabi nang doktor sa'kin. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang lahat ng ito sa loob ng napakaiksing panahon.
"Ligtas na ang nobya mo at ang sanggol na kaniyang dinadala sa sinapupunan ibayong pag-iingat dahil nga sa nangyari sa kaniya'y hindi maiiwasan na makunan siya sa susunod na mangyari ulit ito,"
Naglalaro sa aking balintataw ang mga binitawang iyon ni dok, hindi ko mawari ang eksaktong lagay ng aking damdamin. Sapagkat...sa pagkakaalam ko'y ako lang ang itinatangi ni Hashlyn.
Nasa ikatlong baitang pa lamang ako sa kolehiyo kung kaya't hindi pa ako handa sa mga ganitong responsilibidad. Ngunit nang malaman kung nagdadalang tao si Hashlyn at sigurado akong hindi ako ang ama sa batang nasa kaniyang sinapupunan...halos gumuho ang mundo ko.
"Akihiro,"
Tinig ni Hashlyn na nagpanumbalik sa akin sa kasalukuyan. Bakas ang lungkot, pagsisisi, at pagod sa kaniyang maamong mukha.
"Alam kong walang kapatawaan Hiro ngunit, nais kong humingi ng kapatawaran sa aking nagawang kapangahasan." Lumuluha niyang saad.
Tahimik lamang akong nakikinig sa kaniya, hinayaang magpaliwanag hanggang sa siya'y makaidlip muli.
"Anong naging kasalanan ko upang maramdaman ang ganitong klasi ng pasakit, bakit sa babaeng mahal na mahal ko pa...bakit siya pa," hilam sa luha ang mga matang nakatitig kay Hashlyn na mahimbing na natutulog.
Sinubukan kong aliwin ang sarili sa paglalakad-lakad sa paligid ng ospital nang mamataaan ko ang isang bulto na nagmamadaling pumasok sa may pasukan ng ospital.
Tahimik ko siyang sinundan, nagtaka ako nang makita kong pumasom siya sa silid ni Hashlyn dito sa loob ng ospital.
Pinakiramdamk ko ang paligid na parang may mali.
Hindi! May mali talaga!
Dahan-dahan kong binuksan at itinulak ng kaunti ang pinto sapat na upang makita at marinig ang kanilang pinag-uusapan.
"Umalis ka na muna Nix, baka maabutan ka ni Hiro at kung baka ano pa ang mangyari kapag nagpang-abot kayo rito," nag-aalalang sabi ni Hashlyn kay Nix.
"Hindi ako aalis ng hindi mo nasasabi sa kaniya ang totoo Lyn," ani ni Nix.
"Parang awa mo na Nix, marami ng iniisip si Hiro dadagdagan ko pa ba?"
"Ako ang ama ng batang iyan Lyn! Oo pareho nating hindi ginusto pero nandiyan na 'yan, papanagutan ko kahit pa itakwil niya akong kaibigan."
Kung ganoon tama nga ang hinala ko...
Ang sakit lang! Putang ina!
"Umalis ka na Nix," nagmamakaawang tinig ni Hashlyn.
Nakita ng dalawa kong mata kung paano lumambot ang mukha ni Hashlyn nang siya'y hagkan ni Nix sa kaniyang noo.
"Mahal na mahal kita Lyn at hindi ko pinagsisihan na may nabuo sa pagitan natin,"
Tagos hanggang likod ang sakit lalo na nang marinig kong sumang-ayon si Hashlyn dito.
"Mahal na mahal din kita Nixon,"
Nanlalambot ang mga tuhod ko pero pinanatili kong nakatayo ako habang nanunuod ng napakagandang telenobela sa telebisyon.
Nagulantang na lamang sila maging ako sa tunog na nagmumula sa aking selpon na nasa loob ng aking bulsa ng pantalon.
"Akihiro,"
"Sevier,"
Sabay nilang bigkas sa pangalan ko.
YOU ARE READING
Revenge With A Smile
RomanceHe's a cold hearted person. She is a jolly person. He's hard to please. She is falling so fast. He only love once but suddenly get hurt by a one woman. She love him that she can accept everything even if it's hurt her too much. What what if this tw...