Hinatid pauwi ni Jeremy ang dalawang magkaibigan , syempre habang nagtratravel may halong kwentuhan.. Parang getting to know each other stage. Para na rin sa pasasalamat ni Joana kay Jeremy, inientertain na rin ni Joana ito kahit na may ugaling pagka "conservative" si Joana.. Tila naging komportable siya sa pakikipag-usap kay Jeremy ...
habang nakasakay sa Jeep ..
Jeremy : alam mo lalo kang gumaganda pag nakangiti :)
Tams : Nako Jeremy , minsan mo lang yan makitang ganyan ngumiti .. Di kase ngumingiti yan eh , laging seryoso .. hndi si snow white kamukha niya, si grumpy ! hahahaha ..
tumingin sa kanya ng masama si Joana ...
Tams : Okay, I'll shut up na :D (nagzip ng lips)
Joana : San ka nga pala nakatira Jeremy? :) baka mamaya hanapin ka sa inyo ahh..
Jeremy : kagagaling ko lang ng Maritime Academy in short MAAP ... pero may inuuwian ako ,.. Sa may Fairview .. :) kaso kailangan kasi magbooth sa manila eh, kaya yun..
Joana: Diba yung school mo sa bataan ? Ano course mo dun ?
Jeremy : Marine Engineering .. Pangarap ko talaga yun :))
Joana : Ang maging seaman ?
Jeremy : Sort of .. parang ganun pero mas gusto ko nagaayos or nagcoconstruct ng mga barko .. :)
Joana: Ah! Alam ko mahirap yung course ng marine engineering ... Matalino ka siguro nuh? :)
Jeremy : Hindi ah ! Gusto ko lang isakay yung taong mahal ko sa barkong gagawin ko .. Pangarap ko din yun ..
Joana : Ah, may gf ka na noh? ..
Jeremy : Wala ahh ...
Joana : Eh sino yung taong mahal mo ?...
napatingin saglit si Jeremy sa mga mata ni Joana ..
Jeremy : Ikaw ...
POOT POOOT !!
bumusina ang isang bus ... habang binigkas ni Jeremy ang mga salitang "Ikaw"..
Joana : Ano Jeremy? paki ulit mo nga ung sinabi mo?? pasensya ka na di ko narinig ah... yung bus kasi bumusina ..
Tams : PARA po sa tabi !!!
agad agad na naunang bumaba si Jeremy at sumunod si Joana at Tams, nauna na si Tams umuwi dahil nagiinarte na ito sa sobrang pagod.. ...hanggang sa nakarating na si Jeremy sa bahay ni Joana..
Jeremy : Eto na ba yung bahay mo ?
Joana : Yup.. Thanks sa paghatid sakin ahh pati sa pagsauli ng panyo ko ... malaking bagay talaga to sakin :)
Jeremy : Ok lang yun.. Basta ikaw :)
Joana: Sige pasok na'ko ..
papasok na sana si Joana sa gate nila ng biglang hinawakan ni Jeremy ang mga kamay ni Joana ..
Jeremy : Joana, pwede bang yayain kitang lumabas ulet ? .. hndi ko alam kung maniniwala ka sa mga sasabihin ko pero nung una kitang makita ang gaan na ng loob ko sayo ...
Joana : Sge Jeremy ... Ganun din naman ako sayo.. Pag may oras ako :)
Jeremy : Salamat Joana ...
Joana : Goodnight ... Ingat pauwi ha ..
Jeremy : Goodnight din little angel .. :)
naglakad nang palayo si Jeremy pero nakatingin pa rin siya kay Joana habang pumapasok ng gate..
Joana's POV :
Ano kaya yung sinabi ni Jeremy kanina sa jeep?.. Nakakainis kasi yung bus eh .. Di ko tuloy narinig ... Well, mabait naman si Jeremy eh .. oo alam ko na parang getting to know each other pa lang kami pero wala namang masama kung magkikita kami ulet diba? at tsaka ang gaan na rin ng loob ko sakanya ..I'm sure na magiging malalim pa ang pagkakaibigan naming dalawa.. Buti na lang mabait siya ... Buti na lang .. Buti may mga lalaki pang nakakaappreciate sa isang hamak na katulad ko .. Buti pa siya ..