Pumasok na si Joana sa bahay nila.. Di maipinta mukha niya. Para bang nahulog ang langit at lupa sa kanya. Alam niya sa sarili niya na dapat hindi na siya nakikialam kay Drin.. Unang una dahil may GF na siya , Pangalawa, dahil ayaw niya na may masira siyang relasyon.. Mahal niya si Drin, pero kung makakasira lang ito ng relasyon mas mabuting wag niya na lang ipagpatuloy..
Ilang buwan ang lumipas.. Hindi na muling sumasabay or nakikipagkwentuhan si Joana kay Drin.. Magkatabi pa rin sila tuwing Astronomy Class , nakakapag kwentuhan na lang ang dalawa kapag nagpapatutor si Drin kay Joana.. Wala nang kulitan.. Wala na..
Drin's POV:
Bakit kaya hindi na ako kinakausap ni Joana? .. Alam ko mali yung nagawa ko sa kanya dati.. Na ipinagpalit ko siya sa GF ko ngayon.. Nadala kasi ako ng takot.. Napakaduwag ko.. Nagpapatukso ako sa napakaraming bagay.. Kaya nga nagshift ako ng astronomy sa klase nila para saknya .. Pinagsisihan ko lahat ng ngawa ko sknya... At handa kong gawin ang lahat mapatawad niya lang ako..
Mahal kita Joana.. Mahal na mahal..
Joana's POV :
Kailangan kong lumayo sayo Drin.. Unang una mali tong ginagawa ko.. Susubukan kitang kalimutan.. Sana maging masaya ka sa GF mo.. sana maalagaan ka rin niya katulad ng pag - aalaga ko sayo kahit hndi mo napapansin. Basta masaya ka, masaya na rin ako..
Ilang araw buwan at oras pa ang lumipas..hindi na talaga naguusap si Drin at Joana hanggang sa natapos ang pag sisit - in ni Drin tuwing Astronomy Class..
Campus Tour 9:00 am
Maam : Ok lahat tayo magcacampus tour sa iba't ibang colleges para maisip niyo na kung ano gusto niyong course sa college. Pwede na rin kayo kumuha ng iba't ibang forms sa different schools. Meet tayo sa Mcdo around 5:00 pm para sabay sabay tayong umuwi..
Students : Ok maam ..
Syempre kanya kanyang gala.. Kuha ng form sa bawat booth ng college..
Si Joana .. Tumitingin ng Flyers habang naglalakad.. tila busy sa pagpili kung anong kursong kukunin niya ng biglang ...
Joana : OUCHH !!
Student : Naku Sorry Miss ! Nasaktan ka ba? Tulungan na kitang pulutin yung mga nahulog mo.. Sorry talaga miss ahh ! Pasensya na !
Joana : Hindi ok lang, kasalanan ko tlga hndi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko..
Student : Ako nga pala si Jeremy .. Jeremy Ocampo .. ako yung nagbabantay ng booth sa Maritime Academy of Asia and the Pacific .. and You?
Joana : Uhm, Joana Fajardo .. Sige alis nako ha? nawawala na yung iba kong classmates baka maligaw ako..
Tumakbo si Joana at di niya napansin na nahulog ang kanyang panyo ...
Jeremy : Miss ! Yung panyo mo ! Miss ! Miss !
Hindi niya na nakita si Joana dahil sa sobrang kapal ng tao..
Jeremy's POV :
Ang ganda naman niya. San kaya siya nag-aaral ? Icheck ko kaya yung attendance ng lahat ng schools.. siguro naman may number siya dun .. Nakaka-akit talaga siya tignan.. kailangan ko siyang makausap .. kailangan ulet naming magkita ..
![](https://img.wattpad.com/cover/3199223-288-k788341.jpg)