1

10 1 0
                                    

KAIA FERNANDEZ

Nagising ako dahil sa alarm ng aking cellphone. Kinakapa - kapa ko ito upang patayin ngunit hindi ko makapa kung saan ito nakalagay. Tamad na bumangon ako at iminulat ang aking mga mata para hanapin ang aking cellphone.

Nang nakita ko na ang cellphone ko ay nag open agad ako para icheck kung may nag chat ba sa akin na importante. Nang wala akong nakita ay nag off agad ako at chinarge ang aking cellphone at pumasok sa banyo para maligo.

"Goodmorning princess" bati sa akin ni dada (daddy). Tumango lang ako at umupo na para kumain.

"sasabay ka ba sa akin?" tanong ni dada habang nakain kami. Tango lang ang aking sinagot dahil inaantok pa ako at hindi ko bet magsalita.

Kada nagtatanong si dada ay puro tango at iling lang ang sinasagot ko dahil nga wala ako sa mood magsalita. Ugh. Bakit ba kase ako nagpuyat kagabe?

"are you okay?" tanong sa akin ni dada ng napansin nyang balisa ako. Tumango agad ako. "pero bakit puro iling at tango lang sinasagot mo sa akin? Hindi ka ganan. May masakit ba sa 'yo?" tanong sa akin ni dada.

Umiling ako. " wala ako sa mood magsalita dad." sagot ko napatawa naman sya sa sagot ko. Anong nakakatawa doon?

"pati pagsasalita ay kinatatamaran mo na Princess." sabi ni dada at umiiling na tumatawa.

"by the way, nasan si mom?" tanong ko nang napansin kong wala si mommy. Baka maaga umalis?

-

"Ayos lang ba sa 'yo na maiwan mag-isa sa bahay? Hindi ka naman totally mag-isa dahil nandyan sina manang."

"why?" agarang tanong ko.

"may business trip lang kaming pupuntahan ng mommy mo. Bukas ng madaling araw ang flight namin." sagot ni papa. Tumango nalang ako.

Hindi na ako sumagot at naging tahimik ang aming byahe papuntang school. Nag salpak na kase ako ng earphone pagtapos sumagot ni dada sa tanong ko kung saan sila pupunta.

Nang makarating na kami sa may gate ng school ay ibinulsa ko na ang cellphone ko sa hoodie ko at akmang lalabas na sa kotse.

"Kaia" tawag sa akin ni dada. Tumingin naman ako sa kanya.

"baket?" tanong ko.

May kinuha sya sa wallet nya at ibinigay sa akin ang atm. Nagtaka naman ako dahil binibigyan naman ako nila ni mommy at nung nakaraan nung pumunta kami kina lola ay binigyan din ako ng aking lola at lolo.

"may pera pa ako dad, kakabigay nyo lang sa ako ni mommy at binigyan din ako nila lola. Hindi ko na kailangan ito."

Sunod - sunod na tumango si dada " i know princess, pero iyo talaga iyan. Bumili ka ng mga gusto mo, iyong sarili mo naman ang intindihin mo. Ayaw mo bumili ng mga gamit para sa iyo sa halip laging mong sinasabi na ibigay nalang iyon sa nangangailangan." sabi ni dada. Napatikhim naman ako.

Napatikhim naman ako doon. Dahil hindi ko din naman kase kailangan at hindi ko naman gagamitin iyong mga ibinibili nila sa akin yung iba ay meron na ako sa bahay. Mukhang yung mga gusto ko ay nakuha ko na. Kaya lagi ko nalang sinasabi na ibigay nalang iyon sa mga mas nangangailangan kesa sa akin.

Tinanggap ko iyon para hindi na humaba ang usapan namin. Ngumiti ako kay dada. "thank you" saad ko.

" kita nalang tayo sa bahay, sabay sabay tayong mag didinner bago kami umalis"

Tumango ako at lumabas na sa kotse, kumaway ako at inintay umalis si dada bago pumasok sa School.

Pag pasok ko sa room sa room ay akala mo nasa palengke dahil sa sobrang ingay nang mga ito. Dumeretso na ako sa aking upuan at nagsalpak ng earphone.

Im Inlove With Him (On Going) Where stories live. Discover now