5

0 0 0
                                    

KAIA FERNANDEZ

Sabado ngayon at October 8 na! Ibigsabihin ay birthday na ni Laxus bukas! At wala akong regalo sa kanya! Hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya.

May ibinigay syang card sa aming lima invitation iyon, kung wala daw kami non ay hindi kami makakapasok. Dahil hahanapin iyon.

Ano bang magandang iregalo?

Siguro at picture nalang namin? Naka frame diba? Diba?

Nag ayos na ako ng sarili ko. Pupunta ako sa mall para bumili ng mga gagamitin ko.

Nagpaalam na ako kay manang na aalis saglit at nagpahatid ako kay manong sa mall.

" antayin nyo na po ako manong, saglit lang ako" saad ko nang makababa na sa kotse.

" Sige po" saad nya.

Kumuha ako ng 3k sa sa wallet ko at ibinigay ko kay manong.  " kumain ka muna manong habang wala pa ako, para hindi ka mabagot. " saad ko

Tumango naman sya.  " salamat po" tumango nalang ako at naglakad na papasok sa mall.

Nakarating na ako sa bilihan ng kailangan kong gamitin. Pumipili ako ng frame para sa paglalagyan ko ng picture.

May nakita akong napaka cute square sya at napapaligiran ng mga heart na design. Ayon lang ang binili ko tsaka ko na binayaran.

Pumunta naman ako sa National Book Store bumili na rin ako ng mga gamit ko para sa pang calligraphy. Tsaka ng kung ano ano pa at tsaka ko na binayaran.

Ano pa ba ang bibilhin ko? Food sige. Bumili na rin ako ng mga softdrinks at c2 tsaka mga biscuit at chocolate. Mga paborito ko. Hindi na ako bumili ng chuckie dahil madaming stock sa bahay sa ref ko sa kwarto.

OPO. May ref po ako sa po ko, suggest ko iyon kina dada para hindi na ako bababa kapag nagugutom ako, kaya ayon, maliit lang naman ang pinili ko dahil konti lang naman ang ilalagay ko sa ref na yon.

Nang makabili na ako ay pumunta naman ako sa mcdo para umorder ng kakainin ko at ayon ay ang fries at ice cream..

Sa kotse ko nalang kakainin.

Nang makabalik ako ay nandoon na si manong. Pumasok na ako sa kotse at uuwi na.

Nang nasa bahay na kami ay deretso akyat na ako sa kwarto ko, at inilagay ko na sa ref ko ang mga ibinili ko. Pagkatapos yung frame na paglalagyan ko ng picture ay ipinatong ko sa kama ko.

Nang naayos ko na lahat ay sinimulan ko na gawin iyon. Ang pinili kong ilagay na picture ay yung pinicturan kami ng babae tapos magkatinginan kaming dalawa.

At nang matapos iyon ay, nag linis na ako ng sarili ko, dahil late na. Hindi na rin ko kumain dahil busog ako kakakain ko ng mga pagkain na ibinili ko kanina.

Birthday na ni Laxus bukas!

Wala akong ibang ginawa kundi ang manood para libangin ang sarili ko, inaantay ko kase na mag 12:00 am para batiin ko si Laxus!

Nang mag 12:00 am na ay agad agad kong itinext na happy birthday si Laxus wala pang isang minuto ay nag reply sya.

Laxus :

Salamat, wag kang
mawawala bukas.

Kaia:
Of course :)

Nagreply sya at hindi ko na nireplyan pa dahil inaantok na ako.


-

Late na ako nagising ngayon. Its already 11 am na. Chineck ko muna ang cellphone ko kung may tumawag or text man lang. Kaso wala amp.

Naligo na muna ako bago bumaba para kumain. Wala rin sina mommy ngayon, ayon kay manang ay maaga daw umalis ang dalawa.

Im Inlove With Him (On Going) Where stories live. Discover now