3

2 0 0
                                    

KAIA FERNANDEZ

"So, umuwi ka kaagad kagabe?" tanong ni katey. Tumango naman ako.

"wala naman ako alam sa pag babar kaya umuwi na ako"

" Kasabay mo si Laxus?" tanong nya tumango naman ako.

" uh... Nagpahatid ako sa kanya" I lied. "tsaka mabibingi na yata ako sa lakas ng tugtog sa bar." sabi ko pa at tumawa naman sya.

"ano ka ba naman teh, natural bar iyon e."

Hindi na ako sumagot. Gusto ko sanang sabihin ang nangyari sa amin mi Laxus.. Sa huli ay tinikom ko nalang ang bibig.. Nag kiss pero walang label? Baka sabihan pa ako ng malandi pag nalaman iyon..

"ayos ka lang teh?" tanong ni Katey.

Tumango naman ako. " nahihilo lang ako." saad ko. "ay oo nga pala, grabe naman yung alak na ibinigay mo sa akin, ang pait.. Ang pangit ng lasa"

Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan ni Katey.. Masayahin si katey,masarap sya kasama..

"kwentuhan mo nalang ako tungkol kina Azi" suggest ko sa kanya, dahil sila naman ang topic namin kanina..

"Sige sige, bet ko yang suggest mo"

Nginiwian ko naman sya.. Huhulaan ko si Azi ang una nyang babanggitin.. Kanina kase ay ibinibida nya si Azi sa akin.

" si Aziel... Makulit sya, palangiti sya at palatawa, hindi ko nga nakikita iyon na nababadtrip lagi lang syang nakangiti at binubwiset ang dalawa" nakangiting kwento nya.. Inlove na inlove talaga ito kay Azi.. " si Treyton naman ay ganon din katulad kay Azi.. Laging nagkukulitan at nag aasaran ang dalawa at inaasar din si Laxus.. Si Laxus naman ay wala akong masyadong alam sa kanya.. Tahimik, masungit. Basta ayon.." kwento nya. Umabot ako ng ala sais sa kanila kaya kailangan ko ng umuwi.. Nagpasundo na rin ako.

" kita kits bukas " sabi ko kay katey..

Tumango sya. " kita kits bye"

-

"wag kakalimutan magreview.. Class dismiss" sabi ng teacher namin at lumabas na sumunod naman ang mga kaklase na naglabasan na din.

Ginawa ko ang routine ko bago lumabas ng room nag polbo at pabango muna ako. Pagkalabas ko ay nandoon si Katey at ang tatlong lalaki. Tumakbo naman ako papunta Katey at hindi na tinignan ang tatal. Nahihiya ako kay Laxus kaya pilit akong umiiwas kung kaya ko.

Nang sa cafeteria naman ay sila na ang umorder sa amin kami nalang ni Katey ang naghanap ng mauupuan namin.

Nagusap muna kami ni Katey hanggat hindi pa dumadating ang mga boys. Ganon pa din ang tingin sa akin ng mga kababaihan, masasama pa rin.

Nang dumating na ang mga boys ay sabay sabay na kami kumain at ang pagkain ko ay puto at c2 my favorite..

"diba chuckie ang paborito mong iniinom Kai?" tanong sa akin ni Azi.

Yes po, opo. Chuckie po talaga ang poborito ko. Mula pagkabata palang ay chuckie na lagi ang iniinom ko.

"madami kaseng stock sa bahay ng chuckie, kaya hindi na ako bumibili." sagot ko tumango naman sya.

Masayang nagkykwentuhan kami ngunit kapag nagkakasalubong ang tingin namin no Laxus ay nailang agad ako. Napapatahimik ako.

"san ka punta kai?" tanong ni Treyton.

"uh..Oorder ng puto.." saad ko at tumango naman sya.

"sayo nalang yan. Busog na ako." sabay lagay ni Laxus sa may tapat sa akin.

Im Inlove With Him (On Going) Where stories live. Discover now