KAIA FERNANDEZ
Hanggang sa makarating kami sa field ay hawak pa rin ni Laxus ang kamay ko.
Nang huminto sya sa paglalakad ay huminto rin ako at humarap sa akin. Na nakasalubong ang kilay.
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at hinaplos ito.
"masakit ba?" tanong nya.
Umiling nalang ako. Patuloy pa rin sa paghahaplos sa pisngi ko si Laxus.
" sa susunod ay lumaban ka" sabi nya sa akin.
Umiling ako. " hindi ko ka kaya." sagot ko.
Mahina akong tao, matalino ako, maganda, mabait. Wala din akong alam sa pakikipag away. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ang hina hina ko pag dating sa away. Sarili ko ay hindi ko maipagtanggol.
" mahina akong tao, wala akong sapat na lakas para makipag away, hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko." dagdag ko pa. Umiling naman sya. Yinakap nya naman ako.
" hindi ka mahinang tao." saad nya. " sadyang may mabuti ka lang na puso kaya hindi mo kaya. Hindi ibigsabihin non ay mahina ka ng tao kaya hindi mo kayang makipaglaban. " tumulo naman ang luha ko sa sinabi nya.
" shhh. Don't cry..." sabi nya sa napakalambing na boses. Ughh. Bakit ganyan ang boses nya? Ang sarap pakinggan.
-
Sa mga sumusunod na araw ay nag iba na ang pakikitungo sa akin ni Laxus. Lagi nya na akong tinitignan at kinakausap. Kapag lalabas ako ng room ay tatanungin nya ako kung saan ako pupunta.
" nabalitaan ko ay pumunta sa room nyo si Kim" sabi ni Katey. Nasa field kami ngayon.
Tumango ako. " oo"
Bumuntong hininga sya. " malaki ang galit nya sa'yo."
Tumango ako ulit. " ramdam ko, ang lalakas ng sampal nya sa akin" natatawa kong sabi. Umiling-iling naman sya.
" ay, sabi pala ni mommy, minsan daw ay pumunta ka sa bahay." sabi ko kay Katey.
" talaga!?" masayang sabi nya.
" Sige,sige sa Saturday!!!" masayang sabi nya tumango naman ako.
Nang nagbell na ay sabay na kami ni Katey papunta sa sari sariling classroom namin.
" san ka pumunta pinsan? " bungad na tanong ni Azi sa akin.
" sa field. "
" Anong ginawa mo doon? "tanong ni Treyton. Nakita kong ngumisi si Laxus.
" doon ako pumupunta kapag hindi ako sumasabay sa inyo tsaka kasama ko si Katey. " sabi ko tumango naman ang dalawa.
Nagkwentuhan muna kami dahil wala pa namang teacher. Puro kalokohan ang usapan namin. Tuwang-tuwa ako sa pinag uusapan namin. Kase parang tanga yung dalawa nag aasaran tapos napipikon ayon magbabangayan sila. Ang kulit.
Napatigil ako sa pagtawa nong may humawak sa kamay ko. Sht. bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Hinawakan iyon ni Laxus. Napatingin naman ako sa kanya.
Ano ba itong ginagawa ni Laxus?
Nagsulat sya gamit ang isa nyang kamay at ibinigay sa akin.
Hayaan mo lang akong hawakan ang kamay mo. Please <3
Yan ang nakasulat. ugh. Bakit ka ganan!?
Noong araw na niyakap ako ni Laxus sa may field ayon din ang araw na nag confess sya sa akin na may gusto sya sa akin at ang sabi nya ay liligawan nya ako. Hindi ko alam kung bakit pumayag ako magpaligaw sa kanya. May gusto ba ako kay Laxus?