7

0 0 0
                                    

KAIA FERNANDEZ

Nag-uusap kami ni Luxus nang kung ano-ano.

" ah, bakit yung mommy mo wala sa birthday party mo?" bigla kong tanong. E kase wala man lang akong nakita talaga, tangling daddy nya lang.

" matagal na patay ang mommy ko." sagot nya.

" sorry." ayon lang ang tanging sagot ko.

Ngumiti naman sa akin si Laxus." it's okay, matagal na rin naman 'yon. " sagot nya tumango naman ako.

Hindi na ako nagtanong sa kanya tungkol sa mommy nya kung bakit namatay, ilang taon sya nang namatay ang mommy. Basta madami
ang gusto kong itanong pero nanahimik nalang ako.

" babe. " tawag nya sa akin.

Nagbabasa ako ng libro ngayon. Kumuha ako sa mini library nya. Ang sabi nya ay mas madami pa daw don sa library nila, sabi ko ayos na to maganda rin naman.

" hmm?" sagot ko na hindi sya tinitignan dahil busy ako sa pagbabasa.

Kinuha nya ang libro sa akin at itinapon ang libro sa baba at yinakap ako.

Ibinaon naman nya ang sarili nya sa may leeg ko.

"L-laxus." kinakabahang tawag ko. Baka kase may makakita sa amin na ganitong pwesto. Baka kung ano pang sabihin nila tungkol sa akin.

" hmm" ungol nya.

" b-baka may makakita sa akin na ganitong pwesto, baka kung anong isipin nila." sabi ko.

"Walang makakita, hayaan mo kong yakapin ka." sabi nya at mas hinigpitan nya pa ang pagyakap sa akin.

Ilang minuto kami ganon ang posisyon, nang may kumatok salamat.
Kumalas naman sya sa pag yayakap sa akin.

"come in" sigaw ni Laxus.

Pumasok naman ang katulong nila at may dalang pagkain iniligay iyon sa may table sa unahan at inilapit sa amin. At nag bow muna sila bago umalis.

Wow! May spaghetti, pizza, puto! Nagningning naman ang mga mata ko.

"lets eat." sabi ni Laxus tumango naman ako sa kanya.

Nag umpisa na kami kumain at tahimik lang, dahil masyado akong busy sa puto at pizza.

" hinay-hinay lang baka mabilaukan ka." sabi nya.

Hindi ko naman pinansin ang sinabi nya patuloy pa rin ang sa pag sunggab sa puto at pizza. At ayon na nga nabilaukan ako!

Inabutan naman ako ng tubig ni Laxus at pinainom sa akin.  " sabing hinay-hinay lang sa pagkain e tss." sabi nya tumawa nalang ako.

Naubos namin kainin ang mga hinandang pagkain, nakahawak nalang ako sa kanya dahil busog na ako!

May inilabas na camera si Laxus. Mag picture daw kami para daw may frame daw sya sa kwarto nya.

Nakita ko din ang ibinigay kong regalo sa kanya. Nakalagay iyon sa side table. Napangiti nalang ako.

" 1 2 3 smile!" sigaw nya ngumiti naman ako. Ilang kuha pa tsaka kami nakuntento. Tinignan namin isa-isa.

Minsan ay tatawa kami dahil sa mukha namin.

" pasa mo sa akin yan ah." sabi ko. Tumango naman sya.

" San kaya magandang ilagay ang picture natin? " tsaka nya nilibot ang paningin nya sa kwarto nya. Itinuro nya ang may puwang sa unahan. " dito kaya? Para lagi kong matitignan pag namimiss kita." sabi nya nagpigil ngiti naman ako. Kinikilig ako.

Im Inlove With Him (On Going) Where stories live. Discover now