KAIA FERNANDEZ
Sabay kaming papasok ni Azi.. Papunta na kami sa school at walang ibang ginawa si Azi kundi ang mangbwiset ng mangbwiset...
"Azi!" sigaw ko sa kanya.. Tumawa naman sya..
"lagi nalang mainit ulo mo sa akin Kai" sabi nya at natatawa pa.
"paanong hindi iinit ang ulo, mula kahapon ay hindi mo na ako tinigilan.. Isa pa aalis ako sa inyo" sabi ko sa kanya..
Nang makarating kami sa school ay may mga nag aabang pa den sa kanila.. Una akong lumabas sa kotse at sumunod naman si Azi..
" bakit mag kasabay sila?"
"sila na ba?"
Pinsan ko po ito. Gusto kong sabihin iyon pero hindi ko nalang ginawa at binalewala nalang sila.. Pinagbubulungan ako at masasama ang tingin nila sa akin..
"wag mo nalang pansinin." bulong sa akin ni Azi at inakbayan ako..
"sila na nga yata!"
"inakbayan sya ng bebe kooo!"
Bigla kong tinanggal ang pagkakaakbay nya sa akin at nauna nang maglakad sa kanya.. Dahil maaga pa naman ay pumunta uli ako sa field..
Nakita ko doon si Katelyn, kinawayan nya ako at dumeretso ako sa kanya
"hii!" bati nya sa akin..
"hello" saad ko at umupo sa tabi nya.
"ibinigay mo sa kanya?" tanong nya tumango naman ako.
"anong sabi?" excited na tugon nya..
"wala, itinago nya sa bag nya. Bigla kaseng dumating ang teacher e." sagot ko. Tumango naman sya..
Nanatili kami sandali sa field at nagkukwentuhan..
"sabay kaya tayo kumain?" tanong nya sa akin.
Tumango naman ako. Tumunog na ang Bell kaya naghiwalay na kami. Papunta na sana ako sa classroom..
"Kaia Fernandez..." biglang salita ng nakasalubong ko.. Napatigil naman ako sa paglalakad..
"why?" tanong ko. Tumawa naman ang tatlong babae. Magaganda sila.. Makakapal nga lang ang mga make up nila.
"hindi mo ba kami kilala?" tanong ng isang babae. Umiling naman ako.
" Stephanie Mae Castro" pakilala nung isang babae na nasa kaliwa..
" Madison Ocampo" pakilala naman nung nasa kanan.
"Kimberly De Leon" pakilala nung nasa gitna.. Kimberly.. Sya ba ang sinasabi ni Katelyn?
Lumapit sa akin si Kimberly at tinignan ako mula ulo hanggang paa..
"maganda ka.. Matalino ka din.. Mukhang desperada ka din" sabi nya desperada? Saan ako desperada?
Gusto ko sanang tanungin iyon.. " See you around" sabi nya tumawa naman ang dalawang babae sa likuran nya tsaka umalis sila.
Kinalabutan ako sa sinabi nya.. Umiling ako ng umiling at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa room.
"Goodmorning, sorry I'm late.." saad ko sa..
"take your seat" tumango nalang ako at nagpunta sa pwesto ko.
"saan ka galing?" sabi sa akin ni Azi nang makaupo ako.
"dyan lang." sagot ko, naglabas ako ng notebook at nagsulat at nakikinig habang nag didiscuss si maam.