8

0 0 0
                                    


Bago ko simulan ay gusto ko lang sabihin na sorry sa mga maling words lalong-lalo na sa english hehe.

Hello sa mga nagbabasa.. If meron man ♥️

Kamsa!!

-------

KAIA FERNANDEZ

"Nasabi mo na kay Azi?" tanong ni Katey sa akin.

Umiling ako. Nakalimutan ko. "hindi pa, mamaya sasabihin ko." sagot ko tumango naman sya.

Nasa field kami ngayon, niyaya ako ni Katey para daw bukas nalang daw nya makita si Azi. Daming knows 'no?

" excited na ako bukas!" sabi nya at nakatulala habang nangiti, siguro iniimagine nya ang mangyayari bukas.

Nginiwian ko sya. Ngayon ay naiintindihan ko na si Katey. Kapag inlove ka, inlove ka. Wala kang magagawa doon. Minsan nga ay nakokornihan na ako sa sarili ko, at mukha na din akong Laxus. Laging si Laxus ang iniisip ko at sinasabi. Napangiti nalang ako

" oh? Ngumingiti ka dyan mag-isa?" sabi ni Katey. Umiling naman ako.

" paano ba namin sasabihin sa dalawa na may relasyon kami ni Laxus?" tanong ko sa kanya. Gusto na kase ni Laxus na ipaalam sa kaibigan nya --- namin ang tungkol sa aking dalawa.

"edi sabihin nyo" sabi nya na akala nya ganon kadali. Tss.

"paano nga?" tanong ko.

" sabihin nyo na gusto nyo ang isat-isa at kayo na" sabi nya. Ang hirap naman kaya. Kung sya kaya ang nasa posisyon ko! No bawal akin si Laxus!

"don't cha warreh! Akong bahala sa inyong dalawa." sabi nya at ngumisi sa akin.

"anong plano mo?" tanong ko.

"sikretong malupet." sabi nya at tumatawa- tawa pa. Malala na 'to.

Nagbell na kaya bumalik na kami sa room namin ng nasa may hagdan na kami at nagpaalam kami sa isat isa.

" teh ha, yung date namin bukas" sabi nya tumango naman ako.  " ako bahala sa inyo, wag mo na problemahin yon" sabi nya at kinindatan ako.

Pumasok na ako sa room wala pa ang tatlo kaya nagbasa muna ako ng libro.

_______

LAXUS CRUZ

" Bakit kaya hindi sa atin sumabay ang dalawa?" tanong ni Treyton.

" kaya nga e. Ano kayang dahilan?"  sabi ni Azi.

Kaming tatlo ang kumakain ng sabay. Sanay naman kaming tatlo lang pero syempre nadagdagan kami ng dalawang babae sa amin diba? Tsaka sanay na kami na kasabay sila.

Si Katey naman kase dapat ay sasabay sa amin si kai ang babe ko pero nang lumabas kami ng room ay tinawag nya iyo at pinalapit sa kanya tsaka may binulong, kaya nagbago ang isip nya na sumabay sa amin kumain.

______

KAIA FERNANDEZ

"Azi!" tawag ko sa kanya ng makapasok sila sa room.

"miss mo naman ako ka agad pinsan?" natatawang tanong nya.

Lumapit ako sa kanya at hinila sya palabas ng room.

" aray naman, bakit ba?" sabi nya at inayos yung uniform nya.

"birthday ni Katey bukas." sabi ko lumaki naman ang mata nya..

"hindi nga?" tumango ako.

" nabasa mo na ba ang papel na ibinigay ko sayo?" tanong ko tumango naman sya.  "kanya galing yon, gusto ka nya, kaya i date mo sya bukas" sabi ko. Napamaang naman ang labi nya.

Im Inlove With Him (On Going) Where stories live. Discover now