6

0 0 0
                                    

KAIA FERNANDEZ

October 10

Inayos ko muna ang sarili ko, actually kanina pa ako nandito sa harap ng salamin.

Gusto ko maganda ako pag nakita ako ni Laxus. Nakakahiya naman siguro kung haggard ako. Kanina pa ako nag popolbo at pabango para mabango ako.

Ano bang mas maganda ikukulot ang buhok ko o i-straight? Ugh nahihirapan ako. Kaya nag desisyon nalang ako na ikukulot para bago naman.

Nang matapos na ay tinignan ko ang sarili ko yan! Ayos na yan maganda na ako. Tsaka bumaba na. Kumuha nalang ako ng Sandwich para makain ko habang papuntang school.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ipapakilala ko ba si Laxus kina mommy. Dahil natatakot ako. Hmm mabait naman sila, pero natatakot pa rin ako. Syempre medjo strikto sila.

Kinain ko na ang Sandwich habang malayo layo pa kami sa school. Kinakabahan ako. Ganito ba talaga kapag may jowa na? Parang mahihiya ka ka agad?

Nang nasa tapat na kami ng school ay nag pabango muna ako at nag buntong hininga.

" manong, maganda ba ako ngayon?" tanong ko.

Tumango sya.  " lagi kayong maganda ma'am." sagot nya. Tumawa naman ako at lumabas na sa kotse.

At kinakabahan din pala ako sa magiging reaksyon ng dalawang bugok pag nalaman na may relasyon na kami ni Laxus. Ano kaya ang magiging reaksyon nila?

Ano ba kai, wag kang kabahan okay?

Pumasok na ako sa room at kaunti palang ang mga nandito. Wala pa naman ang tatlo. Kaya napagpasyahan ko muna na pumunta sa cafeteria dahil Sandwich lang naman ang kinain ko.

Umorder ako ng champorado tsaka c2 tsaka umupo na at nagsimula kumain.
Kinakabahan talaga ako. Bakit ba ganito ako ngayon?

Tsaka pala puyat ako kagabi, anong oras na kami umuwi mag 12 :00 am na yata yon tapos yung mga picture namin ay idinikit ko pa sa memories ko. May mga picture kaming lima. Tapos yung tatlong lalaki sila lang tapos kaming dalawa ni Katey. Tapos isa isa kaming nag picture sa tatlong lalaki. At may picture din kami ni Laxus!

Mukha na akong Laxus.

"ay paking tape! Late na ako!" tinignan ko kase ang relo ko, its already 7:36 am na. Ang bilis naman o talagang ang tagal ko lang mag isip isip ng kung ano-ano.

Binilisan ko na kumain at nagtatakbo na sa room. Nang malapit na ako sa room ay huminto na ako sa pagtakbo at hinahabol ang hininga ko.

Nang na sa may pintuan na ako ay maingay kaya batid kong wala pang teacher. Ugh. Hingal na hingal pa naman ako sa pagtakbo. Kainis.

" San ka galing pinsan?" tanong ni Azi.

" kumain sa cafeteria." sagot ko tumango naman sya. At bumaling uli sa pakikipag usap kay Treyton.

Nakita kong nakatingin sa akin si Laxus. Ngumiti sya sa akin, ngumiti din ako sa kanya at nag iwas na ako ng tingin. Nakakahiya.

" babe..." bulong nya sa mismong tainga ko.

Nagulantang naman ako. Anyways ang sexy ng boses sht.

Napangiti naman ako sa loob.. Bakit ka ganan Laxus!??

Pinapakilig mo ako!

Tinignan ko sya at nginiwian, nginisian naman ako ng mukong na ito.

Dumating na rin ang teacher namin, nakikinig ako at nagsusulat. Tinutusok naman ni Laxus ang tagiliran ko. Ghad. Kung hindi ang dalawang bugok ay si Laxus ang nangungulit sa akin.

Im Inlove With Him (On Going) Where stories live. Discover now