Chapter 1: My Once Upon A Time

132 1 0
                                    

Sometimes you don’t need a reason to love a person because the real reason is love in itself.

Once upon a time may isang gwapo at makisig na prinsipe ngunit dahil sa masamang ugali ng gwapong prinsipe ay sinumpa siya ng isang fairy godmother na hinding-hindi siya magiging masaya. Makakalaya lamang siya sa sumpa sa oras na mahanap niya ang kaniyang true love… na walang iba kung hindi ang aliping matagal nang nagmamahal sa kaniya at ang pangalan niya ay………..

“KATELYN!!!” galit na sigaw ni Enzo.

Kate’s POV

“Katelyn!” sa gulat ay napasigaw din ako.

“bakit hindi mo ako ginising?!? You know my schedule how can you be so irresponsible?!?”

Ang aga-aga yan nanaman si Enzo, sigaw ng sigaw. Hindi yata marunong ang isang ito magsalita ng mahinahon o makipag-usap man lang ng maayos. Palibhasa lumaking mayaman at nakukuha lahat ng gusto niya.

“Sir Enzo, ginising ko po kayo. 7am nahanda ko na nga po lahat ng gamit niyo kasi 8:30 ang meeting niyo pero kahit ano po yata ang pagyug-yog ko sa inyo eh hindi ka po magising.” Pilit kong pinapaliwanag ng mahinahon sa kaniya.

Kung ang iba makita pa lang na parating siya at nakikita pa lang siya parang nangangatog na ang tuhod sa takot ibahin niyo ako dahil sanay na ako kay Mr. Lorenzo Emillio Yu. Paanong hindi ako masasanay eh lumaki na akong kasama siya. I was born to be his servant for life.

Yes, you heard it right. My parents were both servant of the Yu family. Ang mama ko ay nagsimulang katulong sa mansyon pero ngayon ay mayordoma na oh diba sosyal? Level up lang ang mudrakels ko. si papa naman ay hardinero noon pero ngayon isa nang driver. Level up din eh at ako? well sabi ko nga napanganak ako para pagsilbihan ang mayabang at masungit na si Lorenzo Emillio Yu ang pangatlo at bunsong lalake sa apat na magkakapatid.

“Don’t you know how important my 8:30 meeting is?!” irritated paring tanong niya sa akin.

“Kung important po pala eh bakit po kayo kasi umuwi ng madaling araw at lasing na lasing?” pabulong ko lang sinabi pero alam ko naman medjo narinig niya.

Totoo naman sinabi ko eh, lagi na lang ganito ang eksena namin sa umaga. Daig pa namin ang mag-asawa kung magbangayan. Paano naman kasi madalas pumarty ang mokong na toh tapos uuwi ng madaling araw minsan mag-uuwi pa ng babae yan tapos ano? May meeting pala ng maaga at sa akin pa talaga ibubuntong ang sisi?

“You know how to wake me up. sana tinulak mo ako sa kama para nagising ako diba?!”

Hindi talaga sususko ang isang ito eh malipat lang ang sisi sa akin.

“sir pag ginawa ko po yun baka hindi na kayo makapasok lalo sa office ngayon dahil sisiguraduhin kong mababalian talaga kayo?” pang-iinis ko.

“Are you trying to push my buttons Kate?!” galit na tanong niya.

Gosh he looked straight at me at bakit ganon kahit ang sama ng ugali ng isang ito titigan lang niya ako parang ok na ang lahat. kahit sigaw-sigawan niya ako wala na akong care… eeiiih ang gwapo ba naman kasi niya. tapos ngayon nga topless pa siya, ganon kasi matulog yun walang pang-itaas eh ang lamig naman ng air-con ng kwarto niya. grabe solve na ang breakfast ko sa dami ng pandesal na nakikita ko ngayon.

“yummy!” wait nasabi ko ba ng malakas yun?!

“ano? Anong yummy pinagsasabi mo ha?! sagutin mo ako ng maayos kung ayaw mong palayasin kita dito sa mansyon!”

Ano ba yan! nakakahiya naman oh nasabi ko pala ng malakas yun. Well kasi naman bata pa lang kami ni Enzo super crush ko na kaya siya. ang gwapo niya kasi kahit ang sama ng ugali niya parang iba yung feelings ko para sa kaniya eh. Kala ko nga nung una crush crush lang pero habang tumatagal sa inaraw-araw na ginawa ni God na nakikita at nakakasama ko siya parang lumalalim yung nararamdaman ko. siguro nga nababaliw na ako kasi pakiramdam ko mahal ko na siya.

“sir? Yummy? Hindi niyo po alam yung ibig sabihin ng salitang yummy? D masarap. Yun ang ibig sabihin niyon.”

Hahaha… oo d ako takot mapalayas kasi kahit anong banta niya na papalayasin niya ako hinding-hindi niya magagawa yun. He grew very dependent of me. mula sa pagiging alarm clock niya sa umaga, sa pagluto at paghain ng pagakain niya dahil hindi siya kakain kung hindi ako ang naghanda, sa susuotin niya, sa schedule niya, sa pag drive sa kaniya sa office, sa pagiging secretary niya at sa lahat-lahat na yata ay nakadepende siya sa akin so paano niya ako mapapalayasin diba?

“pwede ba umayos ka nga. Ang aga-aga pinapainit mo ang ulo ko!” sabi niya habang minamasahe ang kaniyang ulo.

Well hangover lang yan at alam ko na ang katapat niyan, strong black coffee with a teaspoon of honey. See that is how much Enzo needs his ever julalay na si Julie!

“lagi naman po mainit ang ulo niyo eh, normal na yan.” Pabulong ko muling sinabi.

“What did you say?!” tanong niya at lumapit na sa akin tila ba pikon na pikon na sa akin.

Woooohhh ang init grabe naman nung lumapit siya parang hindi naman ako natakot eh parang gusto ko pa lalong hilain siya at yapusin. Eeeiiihhh nakaka KIGIL!!! Anong KIGIL? Pinahalong KILIG at GIGIL haha.

“ang sabi ko po sir Enzo wag na kayo mag worry coz tinawagan ko na po yung supplier ng furniture para sa bagong hotel resort sa tagaytay and napamove ko na po ang meeting niyo ng 1:30pm.”

Yes super yaman ng amo ko or should I say ang buong angkan niya. They own different businesses pero isa sa main business nila which now is being handled by Enzo and his Kuya Edward is the hotel industry. They currently own a total of 20 hotels and resorts hindi lang dito sa Pilipinas yan.

“eh bakit ngayon mo lang sinabi? D sana hindi na tayo nag-aaway dito ng ang aga-aga.” Medjo halata parin sa boses ni Enzo ang pag kairita.

“Correction po sir Enzo, hindi po tayo nag-aaway. Kayo lang po ang nang-aaway.” Pilosopo kong sabi pero tama naman talaga ako diba? Ang bait ko kaya sa kaniya.

Ganyan ko kamahal ang gagong lalaking ito noh. Kahit yata anong gawin niya hindi nababawasan yung pagmamahal ko sa kaniya. ilang babae na ba ang nakita kong hinahalikan niya minsan nga hindi lang halik eh at nahuhuli ko pa pero ano? Ako itong si tanga na minamahal ang gagong si Enzo. 

Ay ang ewan lang diba? Ang tanga ko, ang sakit-sakit na nga pero hindi ko magawang bitawan at iwan siya eh… kasi ang totoo niyan ay si Katelyn, ay para kay Lorenzo lang.  

Deeper into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon