Chapter 2: Possessive

92 1 0
                                    

As rational beings we have this certain tendency to become possessive of what we have because we are too scared to lose control of that thing. Even if Possession and Ownership are two different matters still Possession sometimes is a wrong notion of what true love is supposed to be. 

Kate’s POV

Mga 11am na kami nakarating sa office paano kung hindi nag inarte itong gwapo kong boss d sana maaga-aga kaming nakarating dito sa office. Nasabi ko na diba? I am also officially his personal secretary kaya ako taga ayos ng schedule niya.

“I want soup for lunch later. Wala pa akong ganang kumain ng heavy.” Utos ng mahal na prinsipe habang naglalakad kami papunta sa elevator.

I just nod my head as a respond wala akong balak maki pag-bangayan sa kaniya sa tuwing nasa office kami cause people here in the office they just keep on staring na para bang bida kami sa isang teleserye na araw-araw inaabangan ang kwento ng buhay namin.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na ako ay laman ng tsimisan ng mga kapwa ko empleyado sa office dahil sino bang hindi magtataka na araw-araw kaming sabay pumapasok ni Enzo at sabay ding umuuwi natural isa lang bahay na inuuwian namin at tulad ng paulit-ulit ko nang sinasabi ako ay personal driver din niya. I don’t feel the need to explain to other people the real status ng relationship ko with Enzo as long as I am doing my job well sa tingin ko wala akong dapat ipaliwanag sa kahit kanino.

Pagkadating naming sa floor kung saan ang office niya ay agad nagtakbuhan ang mga ibang empleydo sa kani-kanilang mga lamesa nagkukunyaring busy pero magalang na bumati sa prinsipe tulad ng nakasanayan ng lahat.

“Everyone bring all the due documents I need to sign in my office now!” Enzo said authoritatively sa lahat kaya parang mga bubuyog na nagkagulo ang lahat maging ako ay napatakbo diretso sa desk ko kasi ang ibang reports na kailangan niyang pirmahan ay dumadaan sa akin.

Mabilis lang natapos ang araw kong iyon tulad ng nakagawian balik nanaman ako sa julalay duties ko after ng office hours. Kung bakit ba kasi parang bata itong si Enzo na kailangan pang pagsilbihan. Bakit si Sir Edward at Ma’am Eunice naman ay hindi katulad niya maliban kay Ma’am Ella ang kanilang bunsong kapatid na kasing spoiled ng kuya Enzo niya pero hindi tulad ni Enzo si Ella ay napaka sweet at malabing.

“hindi pa tayo uuwi. We will go to Raymond’s art exhibit.” Matipid na sabi ni Enzo habang nagliligpit ako ng kaniyang gamit.

Raymond is one of his best friends dahil ang pamilya nila ay friends din. In fact Raymond’s younger sister Rianne is Enzo’s on-off fling. What I mean by that? Well hindi malinaw ang relation nila but they date once in a while and kiss each other here and there and who knows what more but no they aren’t in a relationship dahil si Enzo ay isang taong allergic sa salitang commitment. Tulad nga ng sabi ko isa lang ang makakabasag sa sumpa para maging mabait na si Enzo at yun ay ang True love.

Kahit pa alam kong hindi naman sineseryoso ni Enzo si Rianne ay hindi ko mapigilang hindi masaktan sa tuwing nakikita silang magkasama.  Kahit ganito ako katanga dahil sa pagmamahal ko sa kniya it doesn’t mean hindi na ko nasasaktan. Araw-araw habang mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kaniya ay kasabay nun ang paglalim ng sugat sa puso ko, na ako din naman ang may gawa. Kung hindi ko sana minahal si Enzo d sana hindi parang nabibiyak itong puso ko sa sakit ngayon.

“nakikinig ka ba sa akin Katelyn?!” pasigaw na tanong ni Enzo.

Sa gulat ko na hulog ko tuloy ang mga folders na liniligpit ko kaya nagkalat ang mga papel sa sahig ng office ni Enzo. kanina pa pala siya may sinasabi hindi ko namalayan.

“sorry po sir. Ano nga po pala yung sinasabi niyo?” tanong ko habang isa-isang pinupulot ang mga nag kalat na mga papel. Hindi man lang talaga niya ako tinulungan. Kahit kailan talaga ang bait ng mokong na toh.

Deeper into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon