Chapter 7: Running Away

77 2 0
                                    

Love isn’t supposed to make you feel sad; it isn’t supposed to be painful because love is a feeling that is incredible beyond words, a feeling of happiness and contentment. The pain and sadness we feel is not because of love but it is because of our fears, doubts and all the negative feelings that have nothing to do with love.

 Kate’s POV 

I wanted to make things go back to the way they use to be o kaya yung tipong magigising na lang ako sa umaga tapos mafefeel ko na hindi ko na siya mahal o kaya pwede din naman na maging panaginip na lang sana ang lahat.

Mali ba talaga na minahal ko ang isang Lorenzo Emillio Yu? Hindi ko din maintindihan sarili ko eh, d ko alam kung tanga lang ba talaga ako o nasisisraan na ako ng bait. D na yata ito normal dahil kahit paulit-ulit akong nasasaktan isa lang naman ang malinaw mahal ko parin siya at walang nagbago kasi mas minamamahal ko lang siya lalo bawat araw.

“wala bang lakad si Enzo ngayon Kate?” tanong ni ma’am Elisa sa akin. nasa kusina kasi ako ngayon at hinahanda na ang pagkain ng aking mahal na prinsipe.

“wala naman po Ma’am Elisa.” Pinilit kong bigyan ng buhay ang pagsagot ko kahit hinang-hina pa ako dahil sa nangyari kagabi.

“Kate, iha nahihirapan ka na bang alagaan ang anak ko? sobra ka na bang pinapahirapan ni Enzo?” may concern sa tinig ni Ma’am Elisa. Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ba dapat kong sabihin.

“alam kong nahihirapan ka na sa pagtrato ni Enzo sayo. Gusto kong magpasalamat sa pag-aalaga mo sa kaniya. alam ko na kalabisan nang hilingin na sana wag mo siyang iiwan kaya naisip ko na baka kailangan mo narin muna mag bakasyon iha. Ilang taon ka narin naninilbihan sakaniya. Kung gusto mo ipapalipat muna kita sa farm sa probinsya para makapagpahinga ka rin naman.” Mungkahi ni Ma’am Elisa.

Sa totoo lang gustong-gusto ko na talagang lumayo dahil nahihirapan na ako pero hangang sa huli ang kapakanan at ang nararamdaman parin ni Enzo ang nasa isip ko. bakit ba lagi na lang kapakanan niya ang inuuna ko? paano naman ako? paano naman ako puso ko? siguro naman matapos kong umamin sa kaniya kagabi na mahal ko siya papalayain na niya ako. pero bakit ganon naiisip ko pa lang na magkakalayo kami parang mas lalong nagiging masakit.

“salamat po Ma’am Elisa, magpapaalam po muna ako kay Sir Enzo.” yun nalamang ang aking nasagot.

Ayaw kong umalis at iwan siya ng ganito kami, nang hindi man lang kami nakakapag-usap ng maayos. Kahit man lang bilang magkaibigan ay makapagpaalam man lang ako sa kaniya.

Tahimik lang na kumakain si Enzo, hindi man lang niya ako kinausap o tinapunan man lang ng tingin. Nang dalawa na lang kaming natira sa dining ay napagpasyahan kong ito na siguro ang tamang oras para magpaalam sa kaniya tungkol sa paglipat ko sa farm na inaalok ni Ma’am Elisa. Marahil yun ang kailangan namin pareho, kailangan ko muna sigurong lumayo sa kaniya at pag-isipan ang lahat baka sakaling mawala yung sakit na nararamdaman ko. baka sakaling sa paglayo ko ay makalimutan ko ang sakit… makalimutan kong mahal ko siya.

“sir Enzo…” pilit kong linalakasan ang aking loob kahit na parang tambol ang puso ko sa kaba.

Nag angat siya ng ulo at tumingin sa akin. ngayon ko lang napansin na parang malalim ang kaniyang mga mata na tila hindi siya nakatulog man lang, bahagyang maga din ang kaniyang mga mata pero walang pinagbago ang epektong dulot niyon sa tuwing tititigan niya ako. para parin akong natutunaw sa kaniyang mga titig.

“magbabakasyon muna po sana ako kahit isang buwan lang po.” Nakita kong kumunot ang kaniyang mga noo at nagdilim ang kaniyang tingin. Napalunok ako, natakot ako, parang gusto ko nang bawiin ang sinabi ko.

“paano kung hindi ako pumayag?” malamig na tanong niya sa akin at muling binalik sa plato ang tingin.

Nahihirapan na ako sa totoo lang, hindi ko na maintindihan kung bakit ba siya nagiging ganito sa akin. hindi niya ako mahal at hindi ko rin siya pwedeng mahalin pero ayaw naman niya akong lumayo sa kaniya. saan ba ako lulugar sa mundong ginagalawan niya? ayaw ko na ng ganito, ayaw ko na ng walang kasiguraduhan dahil mas lalo lang akong nasasaktan.

“hindi ko hinihingi ang permiso mo, I am informing you na mag leleave muna ako.” I tried to make that clear to him. tutal ay si Ma’am Elisa narin lang naman ang nag offer sa akin kaya siguro ay ok lang kahit hindi pumayag si Enzo.

Nagulat na lang ako ng malakas na bumagsak ang kutsara at tinudor niya sa platong kaniyang kinakainan at napatayo siya. muli niya akong tiningnan at ngayon nga ay nakikita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Kahit pakiramdam ko nanghihina ang aking mga tuhod ay pinilit kong magpakatatag. Dapat ko nang tapusin ang lahat ng ito.

Tama na Katelyn ang pagpapakatanga mo kay Enzo. ang isang taong tulad niya ay hindi kailanman matututong magmahal at magbigay dahil wala siyang puso, hindi siya marunong magmahal at makasarili siya. lahat ng iyon ay pilit kong tinatatak sa aking isipan.

“You can’t leave me.” sagot lang niya.dama ko ang takot sa mga tinig niya kahit na alam kong galit siya.

Napipikon na ako sa linya niyang yan.

“yes I can and in fact I am about to do it now. iiwan na kita Enzo, you are old enough to take care of yourself. Hindi mo na ako kailangan pa. kagabi tinanong mo ako why I stick around with you even if I always end up getting hurt and I gave you my answer… dahil mahal kita Enzo. mahal na mahal.” I tried to control my emotions and my tears pero sa sobrang sakit hindi ko na napigilan. I saw how he cringe every time I say I love him na para bang hindi kayang tanggapin ng sikmura niya ang salitang Mahal o love.

“ano? Hindi mo masikmurang marinig ang mga salitang iyan Enzo? bakit dahil hindi mo matanggap na may taong kayang magmahal sayo?!” I asked him angrily. Hindi ko na kayang itago yung inis ko sa kaniya.

“You promised me you will never fall in love with me Kate! Don’t you realize that things will never be the same again because you broke that promise?!” he said in the same intensity as I did.

“promise? Haha…” I laugh sarcastically.

“oh… you mean the one we made when we were ten? Ang bata pa natin noon Enzo, we didn’t even know what true love is supposed to mean. Pero tama ka I broke that promise dahil kahit pinigilan ko, kahit alam kong hindi pwede minahal parin kita ng higit pa sa isang kaibigan. Siguro naman ngayon pwede mo na akong palayain.” I saw how his reaction became soft, I saw fear in his eyes but he tried to hide it from me.

“paano kung hindi ko kayang palayain ka?” he asked.

Ang gulo na sobrang gulo na hindi ko na naiintindihan.

“tama na Enzo kasi masakit na eh. Sobrang sakit na. binigay ko na ang lahat sayo. ang buong pagkatao ko, ang buong ako pero hindi parin pala sapat iyon para magawa mong palayain yang sarili mo.” I tried to hold back my tears but the just keep on falling. He didn't say a word he just looked at me in the eyes and just like that for the second time I saw pain in his eyes.

“Alam mo yung masakit na parang hinihiwa yung puso mo ng pira-piraso? Ganon yung sakit dito sa puso ko… gusto ko nang sumuko, gusto ko nang kalimutang mahal kita pero bakit ganon ang unfair? Kasi pag gising ko pakiramdam ko mas mahal kita ngayon kesa kahapon.”

And I just found myself running away… away from the pain and away from him. 

Deeper into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon