Nag MECQ. Pinag-uusapan palang namin na kailangan nyang mag bedspace miss ko na sya. Dahil sa simula palang alam nyang hindi ako pang LDR at sanay na 'kong ma-lockdown kasama sya. 2 weeks! Iniisip ko palang nababaliw na ako. Maikling panahon na para sa 'kin ay taon.. nakatago ang lungkot na dinadaan ko sa biro, yung umalis na sya.. iniwasan kong tumingin at magsalita, dahil alam kong sa isang kurap at kataga.. tutulo ang luha.
Tanong ko sakanya bago sya umalis.. ano kayang gagawin ko habang wala ka? Madami akong nasabi pero ngayong mag-isa na 'ko wala akong masimulan. Ganon pala talaga no? Pag kinompleto ka ng isang tao at nawala sya, back to zero ka. Hindi ka makagalaw.. nasa utak mo lang lahat pero wala kang masimulan.
Sounds.. may playlist ako ng malulupit na love songs! Yung tipong masarap pakinggan habang maulan, malamig at wala kang kasama. Habang tinataype ko tong sentence na 'to ang lyrics ay " tulad mo ba akong nahihirapan? Lalo't naiisip ka. Di ko na kaya pa na kalimutan.. bawat sandali nalang. At aalis magbabalik at uuliting sabihin na mahalin ka.." Sumakto ba?!
Nagtext na sya, nakadating na daw siya sa tutuluyan nya. "Mukang tenement" sabi nya..maliit ang room at mahina ang signal. Patay! "Mahina ang signal" - minsan nyo na din bang napag awayan to ng mga jowa nyu? Sure ako! Isa ka sa mga lalaking gumamit ng astig na palusot na 'to.. Kaya hindi ka maka reply agad sakanya, dahil busy ka sa iba (iba, ibang ginagawa). At isa ka sa mga babaeng lumunok ng palusot na 'to. Na naniwala parin kahit magdamag ka nyang pinag hintay #dakilaGurl? LOL. Pang highschool 'to pero pinagdaan mo 'di ba? At minsan, hanggang ngayon kinaiinisan mo padin. Mababaw na dahilan para sayo, pero mabigat para sakanya o vice versa. Kung babalikan ko, 3 years na kami.. 2 times lang namin naging issue to.. actually 'di ko marecall.. O baka hindi. - Love, comment down below! LOL
Tenement.. dito nakatira si Leah, yung lead character sa favorite naming teleserya noon. Na sinundan ni Clark from US, naging asawa nya dahil sa arranged marriage. Sa mga fans ng JADINE alam nyo to! Maganda! Kakilig! Pero love story ko 'to so, panoorin nyo nalang! Haha. Ganto daw yon.. pag 'di na kyo magkasama.. maaalala mo lahat ng ginagwa mo kasama sya, paano pa 'ko na kasama sya sa bahay? Sa bawat hakbang, bawat lingon, hinahanap ko sya. Sa bawat sulok at kanto ng bahay nakikita ko sya. Kaya ba?
Paano kaya ang Day 1. Day 1 na hindi kami magkasama at hindi ko sya makikita paggising ko sa umaga. Yung wala akong hahalikan at sasabihan ng "Good morning love". Yung lahat via text, call and video call muna. Paano kaya?
Tara bukas..
BINABASA MO ANG
MECQ Serye
RomanceNag MECQ. Pinag-uusapan palang namin na kailangan nyang mag bedspace miss ko na sya. Dahil sa simula palang alam nyang hindi ako pang LDR at sanay na 'kong ma-lockdown kasama sya. Gaano nga ba kahirap ang LDR? Nasusukat ba to sa layo at tagal? Samah...