Yes! Sa pangungulila wala? Naimbento nadaw ang vaccine para sa Covid, sawakas! Kasi.. sigurado ako na hindi lang kami ang pinaghiwalay nya. Nung ECQ palang madami ng nag-LDR. Merong napilitan dahil kailangan, meron din biglaan dahil naipit sa lockdown. Saklap no? Kahapon lang magkasama pa kayong #NetflixandChill tpos ngayon #LDRKills na.
Isang turok lang ohh! Dito sa leeg, yung mataas yung dosage.. yung siguradong makakatulog ako ng mga ilang araw tapos paggising ko nandito na sya.. pwede ba? O baka meron yung iniinom, yung kayang mag pamanhid ng pakiramdam tapos pwede mong i-set.. 2 weeks please!
Pero ano nga bang mabisang paraan iwas pangungulila? Magpaka-busy sa trabaho? I have 2 jobs, online English teacher sa umaga, Workforce Analyst sa isang call center sa gabi. 9 hours ang shift ko sa gabi, 6 hours sa umaga. When do I get to sleep? In between.. am I not busy? Try ko na bang maghanap ng trabaho habang nananaghinip?It's all in the mind? So paano.. wag kong isipin? CTRL+ ALT+DELETE - LOCK? Nakakandado na ang puso't isip ko sa kanya. SWITCH USER? Magpanggap man akong ibang tao ay hahanap-hanapin padin sya. SIGN OUT? Alam ko ang password.. babalik padin sakanya. CHANGE PASSWORD? Ano? Sakanya padin babalik? Langya! Wala pala akong kawala.
Tara bukas..
BINABASA MO ANG
MECQ Serye
RomanceNag MECQ. Pinag-uusapan palang namin na kailangan nyang mag bedspace miss ko na sya. Dahil sa simula palang alam nyang hindi ako pang LDR at sanay na 'kong ma-lockdown kasama sya. Gaano nga ba kahirap ang LDR? Nasusukat ba to sa layo at tagal? Samah...