Day 4: Malamig at maulan

4 2 0
                                    

4:05am 

Malamig at maulan.
walang ibang yakap kundi unan,
tulala sa kawalan..
nangangarap na sana ika'y nandyan.

Malamig at maulan.
Kamusta ka dyan?
Tulad mo din ba akong lumulutang ang isipan?
Nagtatanong hanggang kailan?

Malamig at maulan.
Gaano kadalas ba ang minsan?
Isang beses isang buwan?
Hanggang text at tawag nalang?

Malamig at maulan.
Ihikab at itulog mo nalang,
ang pangungulila'y sadyang ganyan!
Kahit uminit pa o umaraw,
dadalawin ka nyan.

Tara mamaya..

MECQ SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon